Feb 25, 2012

King's Tears Chapter 7


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works is purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



“Good afternoon Mr. Jay Saavedra. Would you mind joining me for lunch? I have something very important to tell you.” wika ng babae ng makalapit na ito sa kaniya.

“Good afternoon Ms. Luna Mystica. It’s my pleasure to join you for lunch.” wika ni Jay nang makabawi na siya sa pagkabigla.

Nakita niyang nanunuri ang tingin ni Charles ng sulyapan siya nito habang papalapit sa kanila. Nung umalis kasi sila ng bahay ay tapos na silang kumain. Alam naman ng kaibigan niya na mahina siya sa kainan kaya nga hindi siya gaano karami kung kumain.

“By the way, this is my bestfriend, Charles Madrigal. Charles, this is Ms. Luna Mystica, my professor in college.” pakilala ni Jay sa dalawa ng makalapit si Charles sa kanila.

“Oh, you’re the famous artist known as Mystic Angel? Glad to meet you ma’am.” puri ni Charles sa babae.

“Yes dear. I’m the one and only person. Would you mind joining us for lunch?” tanong dito ni Ms. Luna.

Napa-oo na lamang si Charles kasi interesado din siyang malaman kung ano ang pakay ng isang kilalang artist sa larangan ng pagpipinta sa kaniyang kaibigan at para na rin makilala ang may gawa sa mga paintings na collection ng kaniyang ama.



Si Luna Mystica ay kilala sa larangan ng pagpipinta dahil sa hindi pangkaraniwan ang mga subject nito. Ang mga ginuguhit kasi nito ay ukol sa mga bagay na may kinalaman sa ibang mundo gaya ng dwende, palasyo, hari’t reyna at kung anu-ano pa.

Kahit ganun ang kaniyang tema ay marami pa rin ang naakit at nagkakagustong bumili sa kaniyang mga obra. Isa na nga roon ang ama ni Charles.



Pumunta sila sa pinakamalapit na restaurant gamit ang sasakyan ni Charles. Konti lang ang inorder nilang pagkain kasi nga naman e katatapos lang nilang kumain bago pumunta sa gallery.

Si Ms. Luna naman ay hindi rin naman masyado marami ang kinakain nito kaya okay lang para sa kaniya ang isang order ng spaghetti at iced tea. Ganun na rin ang inorder ng dalawa.

Kumain muna sila bago nila pinag-usapan ang pakay ni Ms. Luna kay Jay. “Congratulations pala in advance Jay para sa nalalapit mong exhibit. Alam kong sulit ang pagod mo kasi maganda naman ang mga gawa mo.” wika ni Ms. Luna.

“Salamat po ma’am ng marami. Utang ko po sa inyo ang lahat. Kung hindi niyo po ako naturuan ng tama eh hindi ako makakagawa nun. Kayo po ang idolo ko.” nahihiyang wika ni Jay.

“So much for that na. May talent ka talaga kaya nagagawa mong makapagpinta ng magaganda.” putol ni Ms. Luna. “Kaya pala ako pumunta dito ay para imbitahan ka para sa sunod kong exhibit na gaganapin 6 months from now.” dagdag wika nito.

“Seryoso po kayo?” sabat  na tanong ni Charles kasi nabigla siya na isang Ms. Luna Mystica ang mag-iimbita sa kaniyang kaibigan para gumawa rin ng idi-display sa exhibit nito.

“To-too po ba ang si-na-bi niyo ma’am?”nauutal naman na tanong ni Jay.

“Yes. Totoo ang sinasabi ko. Kukunin kita para mag-contribute para sa next exhibit ko. Dalawa lang kayo na kukunin ko. Si Ms. Grace Altamirano ang isa.” tugon ni Ms. Luna.

“Ma’am, pero bakit po ako?” tanong ni Jay.

“Anong bakit ako? Nakita ko kung paano ka magpinta Jay kaya alam ko ang kakayahan mo. Tinanong ko rin ang ibang members ng faculty kung sino ang ire-recommend nila at ikaw ‘yon.” mahabang turan ni Ms. Luna.

“Wow, ibang level na ang bestfriend ko.” masayang wika ni Charles. Nangiti naman si Ms. Luna dito.

“Tatanggapin mo ba ang alok ko?” tanong ulit ni Ms. Luna kay Jay.

“Papalagpasin ko ba ang once in a lifetime na pagkakataong ito?” masayang sagot ni Jay.

“It’s settled then.” pagtatapos na wika ni Ms. Luna.



Bumalik na sila uli sa gallery upang makita nila ang progreso nang pagsasaayos dito. Dito kasi balak i-display ni Jay ang kaniyang mga gawa  kahit tapos na ang exhibit. Pagdating nila doon ay agad na nagpaalam si Ms. Luna kasi meron pa itong ibang lakad.

“Nice meeting you po. Hindi ko po aakalain na makikita at makakausap ko ng personal ang may gawa ng obra sa mga collection ng papa ko.” pamamaalam at papuri ni Charles kay Ms. Luna.

“Salamat po uli sa pagpili sa akin.” sabi naman ni Jay.

“Nice meeting with both of you also. Tama na nga sa mga papuri niyo sa akin. Mauna na ako at may kailangan pa akong i-meet.” pamamaalam ni Ms. Luna.

Nang makaalis si Ms. Luna ay pumasok naman ang magkaibigan upang siyasatin ang progreso ng pagsasaayos ng gallery. Malapit nang matapos ang gallery. Isang araw nalang at okay na ang lahat dito.



Alas-siyete na ng gabi nang mapagpasiyahang umuwi ng magkaibigan.

“Daan muna tayo sa restaurant. Doon nalang tayo kumain.” yaya ni Jay sa kaibigan.

“Ano ito? Maagang celebration?” masayang tanong ni Charles.

“Parang ganoon na rin. Hehehe.” masayang sagot ni Jay.



Habang binabagtas nila ang daang di gaanong matraffic ay swerteng may nadaanan sila na restaurant kaya doon na sila naghapunan. Hindi na sila humanap pa nang iba kasi nagugutom na si Jay.

Pagdating ng order nila ay agad na kumain sila. Habang kumakain ay nagkukwentuhan ang magkaibigan. Hindi kasi sila nakapag-usap nang maayos doon sa gallery sa dami ng dapat ayusin.

“Dapat ko na palang sulitin ang panahon kong ito na nakakasama ko pa ang bestfriend ko. Bukas makalawa e hindi na kita makakakasama nang ganito kasi busy ka na at sikat ka na.” biro ni Charles.

“Loko. Kaibigan pa rin kita. Hindi rin kita matitiis noh. Kahit maging sikat ako, ako pa rin ang nag-iisa mong bestfriend.” natatawang biro rin ni Jay.



Naging magkaklase si Charles at Jay noong college. Meron isang minor subject si Jay na kailangan niyang makuha ngunit puno na dun sa kanilang department kaya sa ibang department siya kumuha nito.

Dito niya nakilala si Charles at doon nga nagsimula ang pagiging magkaibigan ng dalawa.



Masaya ang naging kwentuhan nila Jay habang sila ay naghahapunan hanggang sa may natanggap na tawag si Charles. “Hello mommy? Bakit po kayo napatawag?” tanong agad ni Charles sa ina.

“Kelan ka ba uuwi anak? Malapit na kaya ang birthday ko. Hindi mo ba ako dadalawin dito sa atin?” nagtatampong tanong ng ina ni Charles.

“Uuwi ako diyan ma bago ang iyong birthday. Next month pa naman po iyon. Huwag na po kayong magtampo. Sige ka, mangungulubot ang mukha mo at tatanda ka bigla.” biro nito sa ina.

“Hoy Charles, huwag mo akong lolokohin.” ang medyo inis na sagot ng kaniyang ina.

“Ma naman. Alam mo namang naglalambing lang ako sa ‘yo.” lambing ni Charles sa ina.

“O, siya, siya. Ang pangako mo. Uuwi ka bago ang kaarawan ko ha? Isama mo si Jay. Matagal ko nang hindi nakikita ‘yong batang ‘yon.” sabi ng mama niya.

“Kasama ko nga po ngayon si Jay ma. Dito kami kumakain sa restaurant. Galing kasi kami ng gallery para sa nalalapit na exhibit niya.” sagot niya sa tugon ng kaniyang ina.

“Talaga? Magkakaroon na ng sariling exhibit si Jay? Bigay mo ‘yong phone mo sa kaniya. Kakausapin ko siya.” utos ng mama ni Charles sa kaniya.

“Kayo talaga ma. Narinig niyo lang na nandito ang bestfriend ko, itsapwera na agad ako?” nagtatampong wika ni Charles sa ina pero sa totoo lang e nagbibiro siya.

“Kakausapin ka daw ni mama.” ani Charles habang iniaabot ang cellphone kay Jay.

“Hello ma? Bakit po?” bungad tanong ni Jay sa ina ni Charles. Nakasanayan na niyang mama ang itawag dito ayon na rin sa hiling nito sa kaniya.

“Anak, balita ko magkakaroon ka na raw ng sarili mong exhibit. Bakit hindi mo man lang ako sinabihan? Magtatampo ako sa ‘yo niyan.” wika ng mama ni Charles kay Jay.

“Ma, sasabihin ko na sana kaso nakalimutan ko. Busy po kasi ako sa pagpipinta. Ilang araw na rin po ako kulang ng tulog para maihabol ko ang tatlo kong obra. Saka akala ko po kasi sinabihan na kayo ni Charles.” mahabang paliwanag ni Jay.

“Naku, yan talagang kaibigan mong ‘yan! Kung hindi pa ako tumawag ay hindi ko pa malalaman.” wika ng mama ni Charles. “Huwag mong pababayaan ang katawan mo anak. Kumain ka ng maayos. Kelan ba gaganapin ang exhibit ng makapunta rin ako?” dagdag nito.

“Opo ma. Kumakain po ako ng maayos. Sa katapusan po ng buwang ito gaganapin ang exhibit. Aasahan ko po ang pagpunta niyo dito.” sabi ni Jay.

“O sige, pupunta ako diyan para sumabay na rin kayo ni Charles papunta dito. Kailangan nandito kayo sa birthday ko.” wika ng matanda.

“Oo nga po pala ma. Mag-bibirthday na po pala kayo. Sige po at sasama ako papunta diyan.” tugon ni Jay sa matanda.

Ibinaba na ng matanda ang tawag at ibinalik naman ni Jay ang cellphone ni Charles sa kaniya. Tinapos na nila ang pagkain saka umuwi na.



Pagkadating sa bahay ay nanood muna ng TV ang dalawa bago magsitulog. Hindi muna tatapusin ni Jay ang kaniyang pagpipinta kasi nga sa pagod siya at kulang ang tulog niya. Kailangan niya munang bumawi ng tulog para maging maayos ang kaniyang pagpipinta.

“Tulog na ako buds, kailangan ko pang pumasok bukas ng maaga sa opisina. Suwerte lang at naka-leave ako ngayong araw.” wika ni Charles.

“Tulog na rin ako.” sagot naman ni Jay sa kaibigan saka pinatay ang TV.

Pumasok na sila sa kani-kanilang kuwarto. Pagkatapos makapag-ayos ng sarili ay nagsipagtulog na ang dalawa.



Dahil sa pagod at puyat ay madaling nakatulog si Jay.

“Mahal mo ako?” tanong ni Jay sa kausap. Nakatalikod ang lalaki sa kaniya habang ito ay nagsasalita kaya hindi niya aninag masyado ang mukha nito. Ewan niya kung bakit niya kinakausap ang lalaking ito eh hindi naman niya nakikita ang mukha pero parang matagal na niya itong nakasama. Hindi niya lang alam kung saan.

“Oo, mahal na mahal kita. Mula noon hanggang  ngayon.” seryosong sagot ng lalaki.

“Weh? Di nga?” sabi ni Jay pero sa loob-loob eh sobrang kilig ang nadarama niya.

“Oo.” sagot nito saka bigla itong humarap sa kaniya sabay halik.

Nabigla si Jay sa bilis ng pangyayari kaya hindi siya nakagalaw. Ni hindi niya magawang tingnan ang hitsura ng lalaking humahalik sa kaniya. Mayamaya lang ay nakikipaghalikan na rin siya dito.

Nung matapos ang halikan nila ng estrangherong lalaking iyon at akmang titingnan na niya ang hitsura nito ay biglang……



“Hoy! Gising!” malakas na boses ang nagpagising kay Jay kaya siya nahulog sa kama.




Itutuloy……………………






No comments:

Post a Comment