DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works is purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Pagkagising nila ay agad na gumayak ang dalawa upang mapuntahan ng maaga ang gallery kung saan gaganapin ang exhibit ni Jay.
Si Jay Saavedra ay nagsisimula nang makilala sa larangan ng pagpipinta. Sa edad niya ngayong 24 ay masasabi mong umaangat na ito sa larangan na kaniyang pinili. Nagtapos siya kursong Fine Arts sa UP isang taon na ang nakakaraan.
Pasado alas-onse na nakaalis ng bahay sila Jay at Charles. Pagkasakay ng kotse ay agad na pinasibad ito ni Charles.
Tulad ng nakagawian ay si Charles ang nagdadrive kasi alam naman niyang aantukin lang sa biyahe si Jay lalo pa’t palagi itong kulang sa tulog. Papunta sila ngayon sa gallery upang tingnan ang pagsasaayos nito para sa nalalapit na exhibit ni Jay.
“Hindi ko talaga aakalain na ang matalik kong kaibigan ay magiging sikat ng ganito.” basag ni Charles sa katahimikan. “Siguro dapat nang makabili na rin ng mga gawa mo dahil baka hindi ko na makayanan pa kung sa susunod ko pa bibilhin ang iyong mga obra.” dagdag biro nit okay Jay.
“Sira ka talaga. Kahit ibigay ko pa sa iyo ng libre okay lang ‘yon ano! Drama mo tsong, ang aga-aga.” ganting biro din ni Jay.
Upang matulungan ang kaibigan ay nag-leave muna si Charles sa kaniyang trabaho. Okay lang naman ‘yon kasi maasahan naman niya ang kaniyang assistant.
Dahil nga sa tanghali na sila nakaalis ay hindi sila nakaiwas sa traffic. “Buds, buksan mo muna ang stereo para hindi ka mainip habang nasa biyahe tayo.” wika ni Charles sa kaibigan.
“Sige. Magpapatugtog nalang ako ng music.” sabi ni Jay.
Habang nasa daan ay napansin naman ni Jay na may mangilan-ngilang palaboy sa daan. Alam niyang kagaya niya ay may kaniya-kaniyang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga palaboy sa langsangan. Sa isiping iyon ay hindi niya maiwasang balikan ang kaniyang nakaraan.
Ilang araw ang nakararaan pagkatapos mailibing ang kanyang kuya ay naganap ang hindi inaasang mangyari sa tanang buhay ni Jay. Papasok ng bahay si Jay habang akay-akay ni John ng biglang hinatak siya ng kanyang papa palabas.
“Lumayas ka dito. Walang hiya ka. Nang dahil sa iyo ay namatay ang aming anak.” malakas na sigaw ng kaniyang papa habang tinutulak siya nito palabas ng bahay nila. Dahil sa lakas ng pagtulak nito ay napasubsob siya sa lupa. Linapitan siya ni John upang tulungang bumangon ngunit hindi siya nagpaalalay dito.
Ang kanyang mama naman ay kasunod pala ng kaniyang papa at dala-dala ang kanyang mga damit. “Tinanggap ka namin dito, inalagaa’t binihisan pero ano? Ikaw pa ang naging dahilan ng pagkamatay ng anak namin. ‘yan pa ba ang isusukli mo sa amin? Ha?” sigaw nito sa kanya habang binabato nito ang mga damit na tangan.
Hindi alam ni Jay kung ano ang sasabihin. Parang malabong tubig ang kanyang mga naririnig na hindi maproseso ng kanyang utak. Ano daw? Tinanggap, inalagaan at binihisan? Teka. Di niya maintidihan ang pinagsasasabi ng kanyang mama’t papa. Mga tanong na ngayon ay naglalaro sa isip ni Jay. Iyon lang kasi ang tumatak sa isipan niya sa lahat ng sinabi ng mama’t papa niya.
“Sana hindi ka nalang naming inampon. Sana…” humahagulgol na sabi ng kaniyang mama.
Biglang napatigil ang pag-inog ng mundo ni Jay. Nabingi siya sa sinabing iyon ng kaniyang mama kahit hindi naman malakas ang pagkakasabi nito.
“Dahil sa kagaguhan mo namatay ang aming anak! Dahil sa kalandian mo kaya nangyari ito. Kung hindi ka sana lumandi diyan sa lalaking ‘yan, hindi sana mangyayari ang ganito! Lumayas ka dito sa pamamahay namin!” malakas na sigaw ng kaniyang papa habang ito ay lumuluha. “Ayaw ka na naming makita kahit kailan!” madiing wika nito habang tumatangis.
“Kung hindi dahil kay Mark ay hindi ka namin aampunin.” sabi ng kaniyang mama. “Alam din namin na nagkakagusto ka diyan sa lalaking ‘yan dahil sinasabi sa amin ng kuya mo ang kaniyang mga napapansin sa inyo. Kung hindi rin lang sa kanya ay matagal ka na naming pinalayas dahil sa bibigyan mo lang kami ng kahihiyan. Sana noon pa namin ginawa ‘yon nung hindi pa patay ang kuya mo. Sana…” dagdag wika nito.
Wala nang nagawa pa si Jay kundi ang umalis na lamang. Gustuhin mang hindi niya umalis dun sa bahay nila ay hindi niya magawa dahil ipinagtabuyan na nga siya ng kinikilala niyang mga magulang.
Awang-awa si John sa kalagayan ng kaibigan. Nalaman niya na siya ang puno’t dulo kung bakit namatay ang Kuya Mark ni Jay kaya palagi niya itong inaalalayan sa panahon ng pagluluksa nito. Ngunit ngayon hindi rin niya alam kung paano matutulungan ang kaibigan.
Dinala muna ni John si Jay sa kanilang bahay upang doon ito makapagpahinga. Wala doon ang mag magulang ni John kasi nasa trabaho pa ang mga ito. Habang nagpapahinga si Jay sa sala nila John ay ti-next ng huli ang mga kaibigan nila ni Jay para malaman nila ang nangyari sa bahay nila Jay at mapag-usapan na rin kung papaano matutulungan ito. Agad naman na nagsidatingan ang mga ito.
“Ano ba ang nangyari doon?” agad na tanong ni Bryan kahit nasa may pinto palang ng bahay nila John.
Inilahad ni John ang mga nangyari sa bahay nila Jay. Tahimik lang si Jay habang nagkukwento si John sa nangyari kani-kanina lang.
“Patulong tayo sa mga magulang natin upang matulungan si Jay makauwi sa kanila.” wika ni May. “Alam kong naguguluhan lang ang mga magulang ni Jay kaya nasabi nila ang mga ganun.”
Subalit si Jay na mismo ang tumanggi. “Salamat nalang sa tulong niyo ngunit mas masakit para sa akin ang manatili pa sa bahay na iyon.” sagot ni Jay. “Gusto ko ring makalimutan ang mapapait na nangyari dito sa akin. Kahit masakit man sa loob ko ay wala na rin namang silbi kung nandito pa rin ako. Wala na naman akong mga magulang na masasandalan, saka hindi na makikinig sila mama’t papa sa mga paliwanag natin.” mangiyak-ngiyak na sabi ni Jay.
“Ano na ang gagawin mo niyan Jay?” tanong ni Ann habang nakayakap kay Jay.
“Pupunta nalang ako ng Maynila upang makipagsapalaran dun. Alam kung mahirap ngunit kung nandito pa rin ako ay mas lalo lang akong mahihirapan.” sabi ni Jay.
“Pero paano ang pag-aaral mo? Malapit nang matapos ang pasukan. Saying naman kung hindi mo pa ito tatapusin.” ani Ruben.
“Wala na akong magagawa pa dun. Saka wala akong pera para matustusan ko ang aking pag-aaral. Kailangan ko na ngayong kumayod para sa sarili ko.” ang pinal at medyo may tatag na wika ni Jay.
Hindi na napilit pa ng mga kaibigan niya na baguhin ang kaniyang pasya. Inihatid na lamang nila si Jay sa sakayan ng bus papuntang Maynila labag man sa kalooban nila. Nakaalis na ang bus ay hindi pa rin umaalis ang mga kaibigan ni Jay sa terminal na iyon. Mayamaya lang ay dumating ang mga ginagisnang magulang ni Jay.
“John, nasaan na si Jay?” mangiyak-ngiyak na tanong ng mama ni Jay.
“Nakaalis na po papuntang Maynila ang sinasakyan nito kani-kanina lang.” sagot ni Bryan dahil si John ay ayaw kausapin ang mga ito.
Laking palulumo ng mga ito dahil hindi na nila naabutan pa si Jay. Nawalan na nga sila ng isang anak ay nawalan na naman sila dahil sa naging padalos-dalos sila sa kanilang mga sinabi. “Huwag kang mag-alala Bing, hahanapin ko ang ating anak.” wika ng papa ni Jay sa kaniyang mama.
Nakahanap ng trabaho si Jay bilang hardenero sa isang malaking mansiyon ngunit masyadong hirap ang dinanas niya dito. Naging malupit sa kaniya nag kaniyang amo. Naroon ang hindi siya pinapakain. Minsan naman ay binubugbog siya kahit wala siyang ginagawang masama.
Dahil sa hindi na niya matiis ang hirap na dinadanas ay binalak na niyang tumakas doon. Isang gabi ay nagkaroon siya ng pagkakataon dahil sa wala doon ang kaniyang amo.
Nahirapan nang makahanap ng trabaho si Jay kaya naging palaboy siya sa lansangan. Nariyan ang mamumulot ng mga tira-tirang pagkain para lang maibsan ang gutom na kaniyang nararamdaman. Nariyan din ang mamalimos upang may pambili ng makakain. Pero kahit ganun pa ang nangyari sa kaniya ay hindi niya nalilimutang magsimba. Sa simbahan sa Baclaran siya palaging nagsisimba.
Isang araw habang nagsisimba si Jay ay may nakita siyang isang wallet na nalaglag ng isang matandang babae. Hinabol niya ito upang isauli.
“Excuse me po ma’am. Nahulog niyo po ang wallet niyo doon!” wika ni Jay nang makalapit na siya sa babae.
“Naku, thank goodness. I didn’t notice that I have dropped my purse. Salamat hijo at ibinalik mo ito sa akin!” masayang wika ng matandang babae.
“You’re welcome po ma’am.” magalang niyang sagot dito.
Dahil dito, sa tuwing magsisimba ang babaeng ‘yon ay hinahanap niya si Jay para samahan siyang kumain sa restaurant. Dahil rin dito kaya niya nalaman ang naging buhay ni Jay bago ito naging palaboy.
Isang araw, pagkatapos magsimba ni Mrs. Saavedra ay niyaya niya si Jay para samahan siyang kumain. Bukod kasi sa nagustuhan niya ang ugali ni Jay ay naaalala niya ang kaniyang mga anak na nasa States.
Habang kumakain ay tinanong ni Mrs. Saavedra si Jay. “Gusto mo bang mag-aral uli Jay?” wika niya.
“Kung bibigyan po ako ng pagkakataong makapag-aral ay mag-aaral po ako. Kaso hindi naman po ako makahanap ng matinong trabaho dito sa Maynila kasi nga hindi naman po ako graudate ng high school kaya hindi po ako nakakapag-ipon ng pera.” mahabang paliwanag ni Jay.
“Paano kung ako ang magpapaaral sa ‘yo?” masayang wika ng ginang.
“Talaga po? Hindi po kayo nagbibiro?” sunod-sunod na tanong ni Jay.
“Oo. At ngayon din ay isasama kita sa bahay kasi doon ka na titira.” ani Mrs. Saavedra.
Sa araw ding iyon ay dinala nga si Jay sa bahay ng mga Saavedra.
Dahil sa nasa America ang mga anak ni Mrs. Saavedra at wala siyang kasama sa bahay kundi mga katulong lamang kaya si Jay ay tinuring na nitong parang tunay na anak. Ipinaayos pa nito ang mga dokumento ni Jay upang maging isa na itong Saavedra at mga dokumentong kakailanganin sa muli nitong pag-aaral.
Dahil sa kabutihang loob ng ginang ay sinuklian naman ito ng pagmamahal at pagrespeto ni Jay sa bagong kinikilalang magulang.
“Jay, kanina pa tumutunog ang cellphone mo.” basag ni Charles sa pananahimik ni Jay. “Kanina ka pa walang kibo diyan. Hindi mo ba naririnig ang ringtone niyan?” dagdag sabi ni Charles habang nagmamaneho.
“Hello, ma. Napatawag po kayo?” bungad niya sa taong tumatawag sa kaniyang cellphone. “O sige po. Aasahan ko po kayo sa exhibit ko. Pakisabi na rin kina kuya na subukan nilang makapunta kung pwede silang makauwi at kung wala silang trabaho.” dagdag niya.
“Anong sabi ni tita?” tanong ni Charles ng maibaba na niya ang tawag.
“Bago daw magkatapusan ay uuwi siya dito sa Pilipinas para mapanood ang nalalapit kong exhibit.” ani Jay. “Pero sabi niya ay hindi pa raw sigurado sila Kuya Gino kung makakauwi. Sinabihan ko nalang na kung pwede lang naman makauwi sila kuya para naman mapanood nila ‘yong mga gawa ko. Kung hindi e di ‘wag pilitin.”
“Ganun ba?” sabi ni John.
Nakarating na sila sa kanilang pakay. Pinababa muna ni Charles si Jay bago niya i-park ang kanilang sasakyan. Papasok na siya ng biglang siyang mapahinto dahil nakita niyang nakatayo lamang si Jay sa may pintuan ng gallery.
“Napapaano ka diyan buds?” tanong ni Charles na may pag-aalala sa mukha ng siya’y makalapit kay Jay. Nanlaki ang mga mata ng kaniyang kaibigan na ngayon lang nangyari sa tinagal-tagal na panahon.
Hindi siya sinagot nito kaya sinundan na lamang niya ang tinitingnan nito at nakita niyang may papalapit na babae sa kanila ni Jay.
Itutuloy……………………
No comments:
Post a Comment