Feb 12, 2012

King's Tears Chapter 2



DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works is purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




“OMG!” natutulalang sabi ni Ann.

Si Ann ang naunang nakabawi sa kanilang pagkabigla.

“John, okay lang ba kayo ni Jay? Hindi ba kayo nasaktan?” nag-aalalang tanong ni Ann.

Bigla namang bumalik sa tamang katinuan itong si Jay. Si Ann naman ay hindi maiwasang kiligin sa kanyang nakita.

“Sorry John, hindi ko sinasadya.” sabi ni Jay saka tumingin kay John at nang makitang walang reaksiyon ang mukha nito ay nahihiyang yumuko nalang siya.

“Ok lang ‘yon. Hindi  mo naman sinasadya eh.” sabi ni John saka sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

Hindi nakita ni Jay ang pagngiting iyon ni John kaya dali-dali nalang siyang umalis upang makaiwas na dito at sa kahihiyan na rin. Marami-rami na rin kasi ang nakakita sa aksidenting iyon. Meron pa ngang nagbubulongan.

“Jay, sandali lang. Huwag ka muna umalis.” pigil sa kanya ni John. Gusto muna umalis ni Jay doon sa lugar na iyon upang palipasin ang pangyayaring naganap kani-kanina lang. Pero bago pa man siya makaalis ay nahawakan na ni John ang kanyang braso.

“Bakit ka ba aalis agad?” tanong sa kanya ni John. Inakbayan pa siya nito na para bang walang nangyaring masama sa kanila at sa anumang sandali ay tatakas siya.

“Gusto ko na kasi makauwi agad kasi marami pa akong dapat gawin sa bahay.” palusot ni Jay.

“Mamaya na tayo umuwi tutal 3:30 pa lang naman.” sabi naman ni Ann sabay pulupot ng kamay niya sa baywang ni Jay. Nahalata kasi niya na gusto munang makasama ni John si Jay kaya gumawa siya ng paraan para matulungan ang kaibigan.

Bago pa kasi sila magkita-kita ngayong araw ay kinausap na siya ni John kahapon  para magpatulong upang ito ay makalapit kay Jay nang hindi naiilang ‘yong una. Alam din naman kasi niya na gusto rin naman makasama ni Jay si John kaso nga lang ay nahihya ‘tong si Jay.



“Ann, pwede ka ba makausap? Iyong tayo lang?” tanong ni John habang sila ay papalabas ng school.

“Oo ba. Tungkol saan naman ang ating pag-uusapan?” tanong nito.

“Punta na lang muna tayo sa canteen at doon na lang natin pag-usapan.” paglilihis ng sagot ni John.

Pumunta nga sila sa canteen gaya ng hiling ni John. Tamang-tama at hindi masyado marami ang mga estudyanteng nakatambay doon.

Nang makahanap sila ng mauupuan na walang makakarinig sa kanilang pag-uusap ay iniwan muna ni John si Ann para umorder muna ng sandwich at softdrinks. Nang makuha ang inorder ay bumalik na ito sa  mesa kung saan naghihintay si Ann.

“Tungkol saan ang ating pag-uusapan?” pag-uulit tanong ni Ann.

“Ah, eh, kuwan… Sandali… Paano ko ba ito sasabihin sa iyo? Ano kasi…” ang pagatul-gatol na sagot ni John. Bigla siyang nauhaw kaya uminom muna siya sa binila niyang softdrinks.

“Asus, para ka namang ewan. Bakit nga gusto mo akong kausapin ha? Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Kilala ko na labas at loob ng bituka mo John.” sabi ni Ann ng hindi pa rin makapagsabi sa kanya si John.

“Mukhang mahihirapan ‘ata akong sabihin ito kay Ann.” sa isip ni John. “Pero bahala na si Batman.”

 “Anu na?!!!” pagalit na tanong ni Ann kasi hindi pa rin ito sumasagot.

“Si Jay kasi para akong iniiwasan eh. Alam mo naman na ayaw ko iyong may taong ayaw sa akin at hindi ako kinikibo. Baka pwede mo akong matulungan para maging kaibigan iyong tao tutal magkatropa naman kayo. Third year na tayo pero ganun pa rin siya sa akin. Sa iba naman nating kaklase ay hindi siya ganyan.” sagot ni John sa tanong ni Ann.

“Asus, iyon lang naman pala. Akala ko kung ano na iyang mabigat mong problema. Walang problema sa akin iyon.” sagot ni Ann. “Gusto mo ilakad pa kita kay Jay.” dagdag biro nito.

“Hahaha. Loko ka talaga kahit kailan Ann.” natatawang sagot nalang ni John. Pero sa kaloob-looban ng kanyang puso ay natutuwa siya. Matagal na kaya niyang crush si Jay, kaso nga lang ay ayaw nito makihalubilo sa kanila nang masyado. Pili lang ang sinasamahan nito.

“Mukhang may dalawang nagmamahalan ng lihim ah. Hindi lang nila masabi-sabi sa isa’t isa. Hayst. Bakit ba pati itong si John na sobrang gwapo eh ganun? Lalaki rin pala ang hanap.” naglalarong pangungusap sa isip ni Ann. “Mukhang may mapagti-tripan ako bukas ah..” dagdag wika nito sa sariling isipan.



Namasyal muna sila sa parke sa bayan. Habang sila ay namamasyal ay bumili sila ng kanilang makukukot.

Iyon ang unang pamamasyal ni Jay na naging masaya siya. Una, kasama niya ang crush niya na si John. Pangalawa, malambing ito sa kanya na kanya namang ipinagtataka. Pangatlo, para kasi silang nagde-date at si Ann ang kanilang chaperone.

Nahalata naman ni Ann na maayos na nakakapag-usap ang dalawa at nakita niyang masaya ang kaniyang kaibigan kaya naman gumawa siya ng dahilan upang maiwan na niya ang mga ito para makapag-usap ng sarilinan.

“Jay, John, una na ako sa inyo. Nakalimutan ko palang merong iniutos sa akin si mama kanina. Nawala sa isip ko. Gusto ko mang hindi pa umuwi eh, hindi naman pwede.” palusot ni Ann.

“Ah, sige lang Ann. Mamaya nalang kami uuwi ni Jay.” agad na sagot ni John.

“Sabay na tayong umuwi Ann.” sabi naman ni Jay.

Pero sinalungat agad siya ng kaibigan. “Mamaya ka na umuwi. Wala ka namang gagawin sa inyo saka sabay naman kayong uuwi kasi nga magka-barangay lang naman kayo di ba.” pangungumbinsi pa ni Ann sa kaibigan.

“Oo nga naman Jay. Ngayon nga lang tayo nakakapag-usap ng maayos simula noong tayo ay first year.” sabi naman ni John. “Iiwanan mo ba akong mag-isa dito sa park?” dagdag-tanong nito.

“Dito ka muna. Buti ka nga at may kasabay ka sa pag-uwi mo mamaya eh.” pamimilit ni Ann bago sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Alam ni Jay kung ano ang kahulugan ng mga ngiting iyon ng kaibigan. Tiyak niyang wala siyang laban kapag ganoon na ang mga ngiti nito. Kukulitin na naman siya nitong kaibigan niya kaya pumayag na rin siya sa gusto ng mga ito. Wala siyang mapapala kung makikipagtalo pa siya sa mga ito. Mas pabor pa nga ito sa kaniya kasi masosolo niya ang kaniyang crush.

Nang pumayag na si Jay na magpaiwan kasama ni John ay umalis agad si Ann. Ipinagpatuloy naman nila John at Jay ang kanilang pag-uusap. Nasa kasarapan na sila ng kanilang pag-uusap ng biglang magseryoso si John saka tinanong si Jay.

“Jay, bakit ba mailap ka sa akin? Kapag nilalapitan kita noong una eh palagi mo nalang akong iniiwasan.” seryosong tanong nito.

“Ah, eh, nahihiya kasi ako sa iyo noong una. Alam ko naman na mabait ka at nahihiya akong lumapit sa iyo kasi…” ang hindi matapos na sagot ni Jay.

“Kasi ano?” pangungulit ni John.

“Kasi ano….” sagot ni Jay. “Kasi nahihiya ako ‘pag tinitingnan ako ng ibang tao na parang pinag-aaralan ako. At ikaw kung makatingin sa akin ay para bang gusto mo ako kainin ng buo. Iyan, ‘yang tingin mong yan. Ganyan na ganyan ang tingin na sinasabi ko.” sabi ni Jay na medyo nahihiya pero nakangiti.

“Ah, ganun ba? Hehe, sorry hindi ko kasi maiwasan na titigan ka eh. Ang sarap-sarap kasing titigan ka.” sagot ni John.

Napatda si Jay sa narinig niyang iyon. Mga ilang segundo bago siya nakahuma sa pagkabigla sa sinabing iyon ni John. Pero ang sinabi nito ay musika ang kaniyang pandinig na may dalang kilig.

“Ano? Ano’ng sabi mo uli?” sabi ni Jay.

Pero imbes na sagutin siya ni John ay tinanong siya uli nito. “Bakit namumula ang pisngi mo? Oi, nag-blush siya sa sinabi ko. Joke lang iyon. Hahaha.” sabi ni John.

“Biro lang pala. Hahaha. Akala ko totoo ‘yon.” natatawang wika na rin ni Jay. Pero sa loob niya ay may malaking paghihinayang dahil biro lang pala iyon. Akala niya ay totoo na.



Naging magaan na ang pag-uusap nila dahil sa birong iyon ni John kay Jay. Hindi nila namalayan na sa kanilang pag-uusap ay malapit na palang magdilim. Mag-aala-singko na kasi.

“Uwi na tayo John, marami pa pala akong gagawin sa bahay.” yaya ni Jay.

“Sige, uwi na tayo.” sabi nito.

Tumayo na sila sa kanilang pagkakaupo sa bench saka lumakad na papunta sa sakayan. Habang naglalakad sila ay bigla naman inakbayan ni John si Jay. Kahit nagulat ang huli sa inasal ni John ay hindi na lamang siya kumibo. At least gumagawa ito ng paraan para maging malapit sila sa isa’t-isa.

Sumakay na sila nang sabay sa tricycle para makauwi. Ang bahay nila Jay ay madadaanan muna bago makapunta sa bahay nila John.



Simula nang mangyari sa kanila ang ganoon ay naging malapit na sila sa isa’t-isa. Nariyan ang magparamdam itong si John ng kaniyang damdamin para kay Jay ngunit ayaw namang bigyan pansin nito ng huli kasi nga baka nagkakamali lang siya.



Tuwing mayroong groupings para gumawa ng project sa isa sa mga subjects nila ay silang anim pa rin ang nagsasama-sama.



Isang araw sa kanilang paaralan ay binigyan sila ng project ng kanilang guro sa MAPEH na si Mrs. Jane Monte.

“Class, listen to me first before you start with the activity. I would like you to form a group with five members. Then each group will make a miniature of a house. It’s up to you to decide how big the house will be depending on your creativity. The twist of this project is that you will be using recycled materials.” wika ng kanilang guro.

“Ma’am, ang hirap naman po ng project.” reklamo ni Paul, isa sa mga kaklase ni Jay.

“That’s why it is a group project Mr. Mendez.” wika ni Mrs. Monte na ikinatawa ng buong klase. “Since you are only 37 in these class, there will be two groups with six members. You can select your desired group members.” dagdag wika pa nito.

“Ma’am, pwede po bang kaming anim nalang nila Jay, Ann, May, Bryan at Mel sa isang grupo?” singit agad ni John upang kuhanin ang atensiyon ng kanilang guro.

“Ok, no problem.” sagot ng kanilang guro. “Just give me the list of your group members.” dagdag wika nito.

“Ma’am, kelan po ‘yong submission ng miniature?” tanong naman ni Marge.

“Deadline will be on the last school day of this month. So meaning, you have three weeks to make the said miniature.” wika ni Mrs. Monte. “Anymore questions? Or clarifications perhaps? If there is none, you may start now with our activity for today.” dagdag nito.




Itutuloy……………………



No comments:

Post a Comment