DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works is purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Naging maganda ang gabing iyon kay Jay. Nandiyan iyong magpapa-sweet kasi sa kanya si John. Hindi niya maiwasang mapangiti tuwing magtatama ang kanilang mga mata ni John.
“Ano kaya ang sasabihin nito mamaya sa akin? Magtatapat na kaya siya ng kanyang nararandaman? Ano ang aking isasagot mamaya sa kanya?” mga naglalarong katanungan sa isipan ni Jay.
Nang nasa kalagitnaan na nang kasiyahan sa pagtitipong iyon ay lumapit si John kay Jay.
“Jay, di ba mahal mo ako?” tanong ni John.
“Ah, eh..” ang hindi matapus-tapos na sagot ni Jay.
“I mean bilang kaibigan. Bilang bestfriend mo?” dugtong ni Jay.
“Oo naman.” walang kagatul-gatol na sagot ni Jay.
“Tara, labas tayo. Doon ko sasabihin sa ‘yo ang dapat kong sabihin kanina.” sabi ni John.
Lumabas na nga sila. Pagkarating nila sa labas ay naghanap sila ng hindi gaanong mataong parte ng hotel upang makapag-usap ng maayos. Masuwerte naman sila at meron silang nakitang mauupuan na bakante.
Pagkaupo nila doon ay nagsalita agad si John. “Bago ko sabihin sa ‘yo ang dapat kong sabihin, mangako ka muna Jay na walang magbabago sa atin. Dapat gaya pa rin dati ang turingan natin. Saka dapat walang iwanan.” sabi ni John.
“Bakit ano ba ang sasabihin mo?” tanong ni Jay.
“Basta mangako ka muna.” ani John.
“Okay, sige. Nangangako ako na walang magbabago sa ‘tin.” sabi ni Jay.
“Pangako ‘yan ha?” paninigurong tanong ni John.
“Oo sabi eh. Kulit mo rin ano?” ang tatawa-tawang sagot ni Jay.
“Sige, dito ka lang. May pupuntahan lang ako sandali. Hindi ako magtatagal.” sabi ni John.
Umalis na nga ito. Habang nakaupo si Jay ay hindi niya maiwasang mag-isip. “Ano kaya ang sasabihin noon at parang hindi ako mapakali?” tanong ni Jay sa sarili.
Mabilis na nakabalik si John. Nagulat si Jay sapagkat may kasama si John. Nang makalapit na ito sa kanya ay ipinakilala nito ang kasama.
“Jay, siya pala si Karen. Girlfriend ko. Karen si Jay, bestfriend ko.” pakilala nito sa dalawa.
Kilala na ni Jay si Karen. Ito ay sa ibang school nag-aaral ngunit kilala ito maging sa school nila kasi nga bukod sa pagiging maganda nito ay matalino pa. Napakasimple lang nito kung magdamit ngunit talagang lumulutang ang angking kagandahan nito na maging siya ay napapahanga rin. Medyo matagal bago makahuma sa pagkabigla si Jay. Naputol lang ito nang magsalita si John.
“Jay, okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni John.
“O-okay lang ako.” sabi ni Jay. Nagpaskil siya ng ngiting-pilit at binati si Karen. “Hi karen. Kumusta? Kapag niloko ka pala nitong bestfriend ko sabihin mo lang at bubugbugin ko.” biro niya sa dalawa.
“Okay lang ako. Ikaw pala ang bestfriend ng mahal ko. Buti nalang pala at pumayag akong pumunta dito kasi nakilala ko na ang bestfriend ng mahal ko. Alam kong magkakasundo tayo.” sabi nito.
“Oi, pinagkakaisahan niyo ako ah?” singit ni John sa pag-uusap ng dalawa. “Pasok na muna tayo doon.”
“Nakakahiya naman hon. Lalabas na gate-crasher ako nito eh.” nahihiyang sabi ni Karen.
“Hindi, okay lang ‘yon.” pamimilit na sabi ni Jay. “Para na rin makilala mo ang barkada namin.”
Pumasok na nga sila sa loob at ipinakilala si Karen ni John sa iba pa nilang mga kabarkada. Halatang nagulat si Ann ngunit hindi na lamang siya nagpapansin. Matapos maipakilala si Karen sa lahat ay naging masaya ang usapan ng grupo.
Ngunit lingid sa kaalaman nila ay may isang taong nagdadalamhati dahil sa pagkabigo sa pag-ibig at tanging si Ann lamang ang may alam. Mayamaya ay nilapitan niya si Jay saka inilayo sa ibang mga kasama.
“Jay, okay ka lang ba?” tanong nito.
“Okay lang ako. Nabigla lang ako kasi hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari.” sabi ni Jay sa malungkot na boses kahit na may pilit na ngiting nakapaskil sa kanyang mukha. “Akala ko kasi..” hindi na naituloy ni Jay ang kanyang sasabihin dahil oras na magsalita pa siya ay hindi na niya mapipigilan pa ang umiyak. Ayaw niya pa namang may nakakakita sa kaniyang pag-iyak.
“Shhh… huwag ka nang magsalita. Alam kong nasasaktan ka. Ibaling mo nalang ang iyong atensiyon sa iba. Huwag na sa kanya. Kung mahal mo siya, tanggapin mo kung sino ang mamahalin niya. Bigyan mo siya ng layang mamili kung sinuman ang gusto niyang mahalin.” mahabang litanya ni Ann.
Pinilit na magpakasaya ni Jay. Ngunit hindi pa man natatapos ang prom ay umalis na siya doon at hindi nagpaalam sa mga kasama kasi hindi niya kaya ang makitang meron nang ibang kasama ang mahal niya.
Paglabas niya ng hotel ay naghanap siya lugar kung saan pwede siyang uminom. Oo. Gusto niyang magpakalasing upang makalimot kahit na sandali lang sa sakit dulot ng sawing pag-ibig.
Suwerte siya at meron siyang nahanap na bar na kahit mga menor de edad ay pweding makapasok. Pagkapasok niya ay agad siyang umorder ng redhorse saka ito tinnugga.
Sa prom……
“Ann, nakita niyo ba si Jay?” nag-aalalang tanong ni John.
“Hindi eh. Kanina ko pa nga napansin na wala dito ang mokong na ‘yon.” sabi ni Ann.
Tinanong nila ang iba pa nilang mga kabarkada ngunit wala niisa ang nakakaalam kung nasaan si Jay.
“Tawagan nalang natin sa cellphone niya.” wika ni Bryan nang hindi nila mahanap si Jay. Lahat sila ay nag-aalala dahil nagyon lang nangyari ang ganoon.
Sa bar…..
Medyo may tama na si Jay nang maramdaman niyang nagvibrate ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ito. Si John ang tumatawag sa kanya. Imbes na sagutin ay hinayaan niya lang itong ring nang ring. Siguro napagod din ang tumatawag sa kanya kaya hindi na siya nito tinawagan pa uli. Ipinagpatuloy nalang niya ang kaniyang pag-inom.
Sa prom….
“O, ano? Nagriring ba ang cellphone?” tanong ni May.
“Di ba sinasagot ang tawag mo?” tanong ni Mel.
“Oo eh.” sabi ni John.
“Teka, baka umuwi sa kanila at ayaw dito matulog. Di ba nandoon ngayon si Kuya Mark? Alam niyo naman si Jay, mahal nun ang kuya niya. Siguro maglalambing na naman ‘yon dun kay kuya kaya umuwi ng maaga.” sabi ni Bryan.
“Teka tawagan ko lang sila dun sa kanila.” wika ni John. Si Karen naman ay nakikinig lang sa kanilang pinag-uusapan at hindi nakikialam sa pagpapasya ng mga magbabarkada. Napansin naman iyon ni Ann.
“Karen, pasensiya na ha. Ganyan lang kami mag-alala sa bawat isa.” sabi ni Ann dito. “Saka ngayon lang nangyari ang ganun kay Jay.”
“Sandali, may sumagot na sa bahay nila.” wika ni John.
Sa bahay nila Jay.
“Hello?” pupungas-pungas na sagot nito.
“Hello Tito? Si John po ito. Umuwi na po ba dyan si Jay?” tanong ni John.
“John si Kuya Mark ito. Wala dito si Jay. Bakit? Wala ba diyan si Jay sa prom niyo?” balik tanong ni Mark.
“Wala po kuya dito eh. Kanina pa namin hinahanap. Nalibot na po namin ang buong hotel eh hindi namin mahanap. Tinatawagn ko naman po sa kanyang cellphone eh hindi naman po sinasagot.” sabi ni John.
“O, sige ako nalang ang tatawag sa kanya. Hanapin niyo na muna siya diyan hanggat hindi ko pa siya nakakausap. Baka nandiyan lang ‘yan. Tawagan niyo ako agad kung mahanap niyo siya. Tatawag din ako sa inyo kung mahanap ko siya.” wika ni Mark.
Dali-daling nagbihis si Mark. Hindi na niya ipinaalam sa mga magulang ang nangyayari dahil baka mag-alala pa ang mga ito sa kapatid niya. Bago niya paandarin ang kanyang sasakyan ay tinawagan na muna niya si Jay.
Sa bar….
Naramdaman na naman ni Jay ang pagvibrate ng kanyang cellphone. Kahit may tama na siya ng kanyang iniinom ay pilit niyang tiningnan kung sino ang tumatawag. Laking-gulat niya at ang Kuya Mark niya ang tumatawag sa kanya.
“Helloh.. kuya bakit kah napatawag?” ang lasing na sagot ni Jay.
“Jay nasaan ka? Bakit maingay? Teka lasing ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Mark.
“Nanditoh akoh sa bar. Heheheh. Hindih akoh lashing kuya. Nakainom lang.” sagot ni Jay.
“Saang bar ka naroroon? Pupuntahan kita diyan.” sabi ni Mark. Alam niya ang bar na sinabi ni Jay kaya mabilis niyang pinasibad ang kanyang sasakyan para mapuntahan agad ang kaniyang kapatid. Alam niyang may dinaramdam ang kapatid dahil ngayon lang ito naglasing nang ganoon. Kahit minsan ay umiinom sila ngunit hindi ito nagpapakalasing ng ganun.
Pagkarating niya sa bar ay ipi-nark muna niya ang kaniyang sasakyan bago tawagan ang mga kaibigan ni Jay.
“Hello John. Huwag na kayong mag-alala para kay Jay. Ako na ang bahala.” sabi niya dito ng sagutin ni John ang kaniyang tawag. Hindi na niya hinintay na magtanong pa ito sa kaniya kaya pinatay niya na ang kaniyang cellphone.
Pagkapasok niya sa bar ay nakita niya ang kaniyang kapatid na mag-iisang umiinom ng redhorse. Nilapitan niya ito at tinanong.
“May problema ‘ata ang mahal kong bunso ah?” tanong niya dito.
“Inom tayoh kuyah.” sagot nito sa kanya.
Nag-inuman nga silang magkapatid. Mayamaya ay binasag na ni Mark ang katahimikan nila. “Jay ano ang problema mo? Nandito lang si kuya. Hindi kita iiwan at pababayaan.” wika ni Mark.
Napaiyak na nang tuluyan si Jay. “Masakit pala kuya na malaman mo na meron nang ibang mahal ang taong mahal mo. Akala ko pa naman magtatapat na siya ng pagmamahal niya sa akin ngunit ipapakilala lang pala niya ang taong dudurog ng puso ko.” tugon ni Jay habang umiiyak.
Alam nilang pinagtitinginan na sila ng mga tao ngunit pinabayaan lamang ni Mark ang kapatid na ilabas ang dinaramdam nito nang lumuwag ang dinadala nito sa dibdib.
Matapos mailabas ang sama ng loob ni Jay ay ipinagpatuloy nila ang pag-inom. Alalay lamang si Mark dahil magda-drive pa siya pauwi.
Nagpaalam sandali si Jay na pupunta lang muna ng CR. Gusto sana alalayan ni Mark ang kapatid ngunit nagpumilit ito na kaya nito ang sarili. Uminom na lamang si Mark habang hinihintay ang paglabas ng kaniyang kapatid.
Nang matapos mag-CR si Jay ay deri-deritsong lumabas na ito ng bar na hindi naman napansin ni Mark. Nasa may bukana na ng pinto ng bar si Jay ng kaniya itong mapansin. Tinawag agad ni Mark ang waiter upang bayaran ang kanilang ininom.
Kahit may tama ng alak si Jay ay mabilis pa rin itong naglalakad. Deri-deritso siya ng lakad at tinumbok ang highway.
“Jay sandali lang.” mabilis na paghabol dito ni Mark ngunit mabilis na nakatawid ng kalsada si Jay. Hindi napansin ni Mark na may mabilis na humaharurot na trailer patungo sa kanya at sapol na sapol siya nito.
Parang biglang tumigil ang oras para kay Jay. Nagimbal siya sa pangyayari. Kitang-kita niya kung paano nabunggo ang kaniyang kuya ng malaking sasakyan na ‘yon.
“Kuya Mark!!!!!!!!….” malakas na sigaw ni Jay.
“Jay, tahan na. Dito lang ako sa tabi mo. Huwag mo na sisihin ang sarili mo. Malulungkot lang si Kuya Mark ‘pag makita kang ganyan.” alo ni Charles sa kaibigan. “Huwag mo na muna tapusin ang ginagawa mo. Baka pangit pa ang lumabas sa likha mo niyan. Matulog nalang tayo.” dagdag wika ni Charles.
Humihikbi na lamang itong si Jay. Hindi na nila tinapos ang kanilang pag-inom ng kape. Inalalayan siya ni Charles papunta sa kaniyang kuwarto para patulugin siya.
Nang siya ay nakahiga na at aalis na si Charles ay nagsalita siya. “Charles, salamat sa lahat ha? Buti nalang at nandiyan ka lang palagi para suportahan at alalayan ako.” wika niya.
“Ano ka ba? Parang hindi naman kita kaibigan kung iiwanan kita.” sagot ni Charles.
“Pwede dito ka muna matulog?” pakiusap niya kay Charles.
“Sige. Dito ako matutulog. Kunin ko lang ang unan ko sa kabilang kwarto.” pagsang-ayon ni Charles sa pakiusap ng kaibigan. Alam kasi niya na malungkot ito ngayon at kailangan ng karamay.
Pagbalik ni Charles upang mahiga sa kama ni Jay ay tinanong niya ang huli. “Anong oras ba tayo lalakad bukas para pumunta sa gallery?” tanong nito.
“Alas-diyes ng umaga nalang.” sagot ni Jay.
Natulog na nga silang magkaibigan. Napasarap ang tulog ni Jay kahit naging masama ang pakiramdam niya bago matulog.
Habang siya ay natutulog ay napanaginipan niya ang isang misteryosong tao. Nasa harap niya ang taong iyon ngunit hindi niya maaninag ang mukha nito.
“I love you Jay.” madamdaming wika nito sa kaniya.
Pasado alas-nuebe ay nagising si Jay na may ngiti sa kaniyang mga labi.
“Mukhang sarap na sarap ka sa pagyakap mo sa akin ah? Siguro pinagpapantasyahan mo na naman ako sa panaginip mo ano?” wika ni Charles habang siya ay nananatiling nakayakap dito.
“Assuming ka talaga buds.” sagot niya dito.
Itutuloy……………………
No comments:
Post a Comment