DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works is purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
4:30 ng hapon ay tapos na ang klase nila Jay. Sabay-sabay na lumabas ng silid-aralan ang grupo nila.
“Tutal eh maaga pa naman para umuwi, bakit hindi muna natin pag-usapan ang ating gagawing project sa MAPEH?” suhestyon ni May habang sila ay papalabas na.
“Pwede para hindi tayo magahol sa oras.” segunda naman ni Bryan.
“Eh, saan naman natin pwedeng pag-usapan ‘yan?” tanong ni Jay.
“Saan pa nga ba? E doon sa paboritong tambayan.” sabay na turan ni Ann at May.
Ang tinutukoy nilang paboritong tambayan ay ang canteen.
Agad na pumunta ang anim sa canteen. Buti nalang at meron pang isang bakanteng mesa kung saan pwede silang makaupo. Apat katao lang ang kasya dito pero pwede naman kumuha ng plastic stool para may maupuan at maki-share sa mesa.
Nang makaupo na silang anim ay humirit agad itong si Bryan.
“Bago natin pag-usapan ang ating project, kumain muna tayo kasi nagugutom na ako.” ani Bryan.
“Ikaw talaga, kahit kailan. Hindi mapigilan iyang katakawan mo.” sabi ni Mel.
“Anong magagawa ko, eh madali akong magutom.” sagot naman ni Bryan. “Patak-patak na dali.” dagdag nito.
Walang nagawa sila Jay kundi ang sumang-ayon nalang sa gusto ni Bryan. Alam na alam kasi nila na kapag hindi nakakakain itong si Bryan ay kukulitin sila nito at magugulo lang ang kanilang pag-uusap.
Si Bryan na mismo ang bumili para sa kanilang anim. Matapos nitong makuha ang biniling sandwich at softdrinks ay bumalik agad ito sa kanilang mesa na may ngiti sa mga labi.
“Here’s your order, Ma’am. Sir.” wika nito na animo ay isang waiter na dala ang inorder ng customer.
Natatawa nalang si Jay habang pinagmamasdan ang kaibigan. Madali kasi itong magutom. Ewan ba niya kung saan napupunta ang kinakain nitong si Bryan kasi hindi naman tumataba. Proportion pa nga ang katawan nito kung ito ay pagmamasdan. Wala rin itong bilbil.
“Umpisahan na.” wika ni Bryan ng ito ay makaupo.
“Ano ang gagamitin nating materials para sa miniature natin?” simula ni John.
“Hindi iyan ang tinutukoy ko kundi ang pagkain.” sabi ni Bryan.
Natawa nalang sila Ann, May at Mel dito saka sinimulang kainin ang sandwich na kanilang binili.
Nang magsisimula na sila Jay sa kanilang diskusyon tungkol sa kanilang project ay lumapit naman itong si Christian at Karen sa mesa nila.
“Nagme-meeting na kayo para sa project natin?” bungad na tanong ni Karen.
“Oo eh. Para hindi magahol sa oras.” sagot ni Mel.
“Naku malayo pa naman ang deadline eh. Laro muna tayo ng volleyball.” yaya naman ni Christian.
“Oo nga.” gatong ni Karen.
“Laro muna tayo. Malayo pa naman ang deadline.” ani Ann na excited ding maglaro ng volleyball.
“Sali tayo. Sige na.” sabi naman ni May na kinukumbinsi sila Jay at John.
Ang pagme-meeting para sa project sana nila ay nauwi lang sa paglalaro ng volleyball.
Dalawang araw nalang bago ang itinakdang deadline para sa kanilang project sa MAPEH eh hindi pa nila Jay natatapos ang kanilang project kaya napagdesisyunan nila na gawin ito ng overnight sa bahay nila Bryan tutal Sabado naman bukas. Nakaugalian na kasi nila na tuwing mayroon silang project eh doon gagawin tutal eh ok naman sa mga magulang nito.
Mag-aalas-tres na ng madaling araw ng sila ay makaramdam ng pagod at dalawin na ng antok. Nangangalahati palang ang kanilang natatapos ngunit hindi na talaga kaya ng katawan nila dala na rin ng pagod sa maghapong activities sa school.
“Tol, pahinga na muna tayo. Kawawa naman sila Ann, May at Mel. Pagod na rin ang mga iyan.” sabi ni Bryan sa kanila.
“Sige at hindi ko na rin kaya ang antok eh.” sabi naman ni Jay. “Pero paano ‘yan, kalahati palang ang ating natatapos?” dugtong nito.
“Pwede naman natin ituloy bukas ang paggawa ng project. At saka maganda na rin iyong makatulog tayo sa gabi kesa sa umaga tayo antukin. Mas maganda pa magagawa natin nito.” wika naman ni John.
Naghanda na nga sila sa kanilang pagtulog. Bago silang lahat magsihiga ay nagsipilyo at nagsipaghilamos muna sila. Mayroon kasi silang baon na gamit at pampalit na rin kasi napagplanuhan naman nila ito.
Habang nagsisipilyo at nagsisipaghilamos ang mga kaklase ni Bryan ay hinanda muna niya ang kwartong tutulogan ng mga babae.
Ang mga babae ay matutulog sa kaniyang kuwarto samantalang silang tatlo nila John at Jay ay sa sala nalang matutulog.
Matapos maihanda ang kaniyang kwarto para sa mga babae ay siniguro muna nila Bryan at Jay na ayos na sa kanilang paghiga ang mga ito bago sila lumabas papunta ng sala.
Nang makapunta ng sala ay pinagtulungan ng tatlo na ayusin ang kanilang hihigaan. Naglatag muna sila ng banig saka pinatungan ng foam para hindi masakit ang kanilang mga likod saka tabi-tabi na silang nahiga. Gaya ng nakagawian nila ay si Jay ang sa gitna, si Bryan sa kaliwa ni Jay at sa kanan naman si John.
Madali silang nakatulog sa sobrang pagod. Malikot itong si Jay kung matulog na parang gaya sa kamay ng orasan na umiikot. Dahil sa napapagitnaan siya nila Bryan at John ay hindi siya gaanong malikot.
Sa kasagsagan ng tulog ni Jay ay bigla siyang nagising dahil sa isang masamang panaginip. Sa pagkagising niyang iyon ay napansin niya na nakayakap na pala siya kay John habang ang binti niya ay nakatanday dito at natapat pa sa ari nito. Napansin niya na nagkakabuhay ito sa pagkakadampi ng kanyang binti kaya kaagad niya itong inalis.
Kahit masama ang panaginip niyang iyon ay nawaglit na ito sa isip niya kasi natakot siya bigla at baka magalit si John at isipin nito na tsinatsansingan niya ito. Umayos nalang siya ng higa at natulog uli.
Hindi pa man siya nahihimbing sa kaniyang pagtulog ay naramdaman niya na niyakap siya ni John. Nagtulug-tulugan na lamang siya at pinabayaan nalang niya si John sa ginawa nito.
“Ngayon lang naman at hindi naman niya alam na ako ang niyayakap niya.” ang nasa isip ni Jay.
Bago makatulog ng tuluyan si Jay ay may sumilay na mga ngiti sa kanyang labi.
Kahit madaling araw na silang natulog ay maaga pa rin nagising itong si Jay.
“Good morning po tita.” bati ni Jay sa ina ni Bryan nang mabungaran niya ito sa kusina. Pupunta kasi siya sa CR para umihi.
“Good morning din hijo. Nakatulog ka ba? Tapos niyo na ba ang ginagawa niyong project?” sunod-sunod na tanong nito.
“Nakatulog din naman po. Malapit na rin po kaming matapos mamaya.” sagot naman ni Jay.
“Buti naman kung ganoon. Teka, gusto mo ba ng gatas at ipagtitimpla kita?” tanong uli nito.
“Sige po. CR lang po muna ako saglit.” ani Jay.
“Sige.” sagot ng mama ni Bryan.
Pagkalabas ng CR ay naabutan na ni Jay na nasa may hapag na ang kaniyang mga kaklase at nagsisipag-almusal na.
“Kain ka na muna hijo.” wika ng papa ni Bryan.
“Opo.” sagot ni Jay.
Pagkatapos makapagpainit ng sikmura ay nagsiuwian muna ang lima para na rin makaligo at makapagpalit ng damit.
“Sige Bryan alis na muna kami at mamaya nalang ulit natin ituloy ang paggawa ng miniature.” sabi ni Ann. “Mamaya nalang.” sabay-sabay naman sabi nila John,May, Mel at Jay.
“Tito, Tita. Alis po muna kami saglit. Babalik nalang po kami mamaya.” paalam ng mga kaklase ni Bryan sa mga magulang niya.
“Ingat kayo sa pag-uwi.”sagot naman ng mama ni Bryan.
Ala-una ng hapon ang usapan nila para ipagpatuloy ang paggawa ng kanilang project. Dinaanan ni John si Jay sa kanila upang magsabay nalang sila sa pagpunta kina Bryan.
Halos magkasabay naman na dumating ang lima sa bahay nila Bryan. Nauna lang ng kaunti si Jay at John kina May.
Sinimulan nila agad ang pag-gawa ng kanilang project. Ala-siyete y medya ng gabi ng sila ay matapos sa kanilang ginagawa.
“Sa wakas, tapos na rin. Napagod ako dun ah.” masayang sabi ni May.
“Paano ka napagod eh nakaupo ka lang naman diyan?” biro naman ni Ann dito.
“Hahaha. Sino kaya iyong kumain lang ang ginawa at hindi tumulong sa paggawa ng project?” ganting biro ni May.
Dahil dito ay natawa naman ang apat sa asaran ng dalawa at sinalihan din ng mga ito.
Matapos ang asaran at kulitan ng anim ay nagsiuwian na sila Ann, May, Jay, Mel at John. Pasado alas-diyes na nakarating sa bahay si Jay dahil sa natagalan sila sa paghihintay ng masasakyan.
“John, uuwi ka pa ba niyan sa inyo? Malayo-layo pa iyong sa inyo ah? Pwede ka naman matulog dito sa bahay.” sabi ni Jay.
Mga isang kilometro pa ang layo ng bahay nila John mula sa bahay nila Jay. Lalakarin lang niya ito kasi wala nang pwedeng masakyan papunta doon. Delikado kung uuwi pa itong maglalakad lang papunta doon. Saka alam din ni Jay na pare-pareho silang pagod.
“Hindi ba nakakahiya sa inyo?” sabi naman ni John.
“Ano ka ba naman? Para ka naming others.” ani Jay.
“Sige salamat talaga. Kanina ko pa nga gustong makapagpahinga eh. Tinatamad nga akong maglakad pauwi sa amin. Hehehe.” ang nahihiyang pag-amin ni John.
Pumasok agad sila sa loob ng bahay. Tulog na lahat ng tao kaya naman ay maingat silang kumilos upang hindi sila makaistorbo. May sariling susi nang bahay naman kasi si Jay kaya nakapasok sila.
Pagkatapos makapaglinis ng kanilang katawaan ay napagpasyahan na nilang matulog dahil sa pagod sa maghapong kanilang ginawa.
“John, dito ka na matulog sa kama ko. Maglalatag nalang ako ng higaan d’yan sa sahig” sabi ni Jay habang kinukuha ang kanyang mahihigaan.
“Tabi na lang tayo. Saka nakakahiya naman na ako ang matutulog sa kama at ikaw sa sahig.” ani John.
Mag-aalangan sana si Jay kaso pinilit talaga siya ni John. “Kapag hindi tayo matulog dito sa kama mo ay d’yan na rin ako sa sahig matutulog.” pamimilit na sabi nito sa kanya.
“Jay, pwede bang brief lang ang suot ko sa pagtulog?” sabi ni John ng pahiga na sila. “Hindi kasi ako makatulog kapag mayroong suot na damit.” dagdag nito.
“Ah, eh, sige.. Ako din eh. Hindi rin ako makatulog ng may suot na damit.” nahihiyang tugon naman ni Jay.
Napagpasyahan nila na ganoon nga ang gawin nila para makatulog sila agad. Mga ilang minuto lang ay nakatulog na agad sila. Hindi nila namalayan sa kanilang pagtulog na magkayakap na pala sila. Dahil sa wala silang ginamit na kumot ay kitang-kita ang mga hubad nilang katawan.
Kinabukasan, nagising sila sa lakas ng balagbag ng pinto at sa galit na sigaw.
Itutuloy……………………
No comments:
Post a Comment