Apr 6, 2012

LOLER

                                                                                                Hey Journal, March 26, 2012

                Kapagod ng araw na ito. Pero kaya pang magtiis, ilang araw nalang gragraduate na rin ako eh. At isa pa, nakikita ko pa din kasi si Dustin. Grabe lahat sa kanya perpekto. Alam ko medyo exaggerated pero ano magagawa ko, ehh siya yung pinakacrush ko, ayy mali mahal pala MAHAL ko na siya, since first year. Diba pinakilala ko na siya sa iyo. Kahit alam kong hindi ako papansinin niya okay lang. Buti nalang kaibigan ko yung bestfriend niyang si Kyle. Lagi kasi silang magkasama so kung kinakausap ako ni Kyle, nakikita ko din si Dustin. Bakit pa kasi sa kanya pa ako nagkagusto. Paano mapapansin ng isang gwapo, maputi, mataas, mayaman, kumbaga all-in-one na lalaki ang isang nerd na estudyante. Dagdagan pa, pareho kaming lalaki at ang lamya kong kumilos.

                Kanina, nung nasa locker ako, nakita ko si Kyle kasama si Dustin na papalapit sa akin. As usual, magtatanong na naman kung ano ang assignment. Di ko lang talaga alam sa lalaking yun, hindi marunong mag-assignment. Pero syempre tinutulungan ko nalang din yung ugok na yun kasi nandun si Dustin. Syempre para magpaimpress. Parang tanga lang. Pero grabe, parang invisible lang ako sa paningin niya. Sa tuwing may pagkakataon, tumitingin ao sa banda ni Dustin pero hindi wala tlaga ehh. Hindi talaga ako nageexist sa mundo niya. *sigh

                Pagpasok ko sa room kanina nakita ko yung best friend ko, si Miggy, kumakaway. Oo, katulad ko din siya na nagkakagusto sa lalaki and in fact alam yun ng lahat at uhhmm pano pa sabihin, parang malamya siya kumilos na parang hindi basta parang ganun, alam mo yun. Tapos alam niya din na si Dustin ang pinakacrush ko. At siya nga din pala, pagtingin ko kay Kyle. Nagsalita siya pero di ko marinig basta alam kong nagpapasalamat yun tapos ngumiti nalang ako at tumango ng isang beses bilang pagtugon  na walang anuman at nakita ko si Dustin na nakatingin ng blanko sakin, na parang ayaw niya talaga sa akin. Kaya mabilis kong binawi yung tingin ko at tumalikod na para pumunta sa tabi ni Miggy at umupo na. As usual, ang boring ng klase. Hayss, nagpanggap ako na nag-uunat ng braso at sabay na tumingin sa banda ni Dustin at nakita kong nakatingin siya sakin  at mabilis na binawi ang tingin nung nakita ko. Siguro, naiirita tlaga siya sakin pero di ko alam, kahit alam kong ayaw niya sakin, siya padin kasi ang nilalaman ng puso ko.

                Kasabay kong kumain ng pananghalian si Miggy kasi ang saya niyang kasama nun at ang rami ng mga kalokohan naming dalawa. Nakakatuwa talaga ang lalaking yun. Nga pala, crush niya daw si Kyle at nagpapatulong siya sakin. Natatawa ako kasi sa aming dalawa, siya tong maganda ang kutis, ngipin, itsura pero siya tong nagpapatulong sakin kay Kyle. Pero sa tuwing tatawagin at papansinin siya ni Kyle parang wala lang sa kanya. Ang gulo ng talipandas na to.

                Tapos kanina, pagbalik namin sa school, Nakabunggo ko si Dustin, nagmamadali kasi ako kala ko late na ako yun pala wala kaming pasok sa first subject namin sa hapon na yun. Grabe, ang gwapo niya sa malapitan. Tingin ko nga nagblush ako, hiyang-hiya talaga ako sa kanya. Kaya mabilis akong tumayo at nagtatakbo papuntang classroom. At pagpasok niya sa room, hindi ako makatingin sa kanya kaya pinilit kong hindi tumingin sa kanya at syempre, tong si Miggy, ang epal, dapat di ko nalang sinabi sa kanya kasi pinagtawanan lang ako.

                Pero kahit pa man mukha akong tanga sa kakasabi sa iyo araw-araw ng mga tungkol kay Dustin, marunong padin akong lumugar at alam kong hindi ako mapapansin niya at tanggap ko na yun. Ohh sige journal, inaantok na ako, alis na ako, bye bye..salamat sa pakikinig
--alex

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hahaist..Eto na naman ako, kinakausap ang sarili. Bakit ba ang lakas ng tama ko sa Alex na iyon. Ang cute niyang tingnan lagi. Parang gusto kong lagi ko siyang kasama at kayakap pero hindi ehh. Ayaw ata nun sa akin. Isa pa, alam ko namang may gusto si Kyle sa kanya kaya maggigive way nalang ako. Kanina nga, nung kinausap ni ulol si Alex, panay ang pagpapacute. Tsk tsk tsk tapos eto namang si Alex, ang manhid, Taena, buti nalang kasi pag nagkataon baka sila ang magkatuluyan. Tanong tanong pa siya kunwari sa assignment alam ko namang gumawa siya ng assignment kagabi ehh.. Nagpapapansin na naman yung ulol. Haaayyss..kung hindi sana ako natotorpe sa kanya. Lagi nalang kasi ehh sa tuwing nakikita ko siya parang wala akong ibang nakikita at hindi ako makapagsalita at hindi ko ba alam bakit ko pinipilit na magpakita ng walang emosyong mukha sa kanya. Mahal ko na ata si Alex.

Hindi ko rin maintindihan bakit hindi niya ako magustuhan. Dahil ba sa sama ng ugali ko?...haaayysss.. bwesit tong buhay na to, kung natuturuan lang sana yung puso edi sana iba nalang pinili ko. Nakakainis rin tong si Alex eh, bakit puro libro at pag-aaral ang inaatupag, hindi marunong tumingin. Kanina nga nung nag-unat siya ng braso niya muntik na akong mahuli na nakatitig sa kanya. Grabe yung kaba ko sana hindi niya nahalata. Tapos nakabangga ko pa siya kanina. Nagalit ata yun kasi mulang-mula yung mukha niya eh..ang tanga ko kasi, di marunong tumingin sa dinadaanan. At nung pumasok ako sa loob ng klase, parang bad mood ata siya. Haaaaysss gragraduate nalang kami di ko pa nasasabi totoong nararamdaman ko sa kanya. Paano nga ba ako mapapansin ng isang matalino’t cute na estudyante, baka tingin pa nga nun isa lang akong ugok ehh..haaaaaayyss itutulog ko nalang to.
                               
-DUSTIN
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
                Kahit anong gawin kong pagpapapansin kay Alex hindi talaga ako nun magugustuhan ata ehh. Baka nga nakukulitan nay un sakin. Araw-araw ko nalang tinatanong tungkol sa mga assignment namin. Siguro tingin nun sakin bobo ako. Nag-aassignment naman tlaga ako ehh gusto ko lang talaga siyang makausap araw-araw. Matagal ko na ding crush yun ehh simula pa nung third year kami. Bahala na kahit malaman nilang nagkakagusto ako sa lalaki basta ba’y gusto rin ako ni Alex wala na ako pakialam. Pero alam kong walang pag-asa eh. Manhid tlaga yung batang yun. Masyadong occupied sa mga gawaing pampaaralan.Kanina nga, nagpasalamat ako sa ginawa niyang pagtulong sakin pero grabe, binigyan lang ako ng isangn ngiti at tango, haay, nahulog na naman ako sa bitag niya. Ang cute niya. Di ko na alam gagawin ko, wala na akong maisip kundi magpapansin nalang sa kanya araw-araw pero heto’t gragraduate na kami wala padding nangyayari. Pansinin mo naman ako Alex oohh… Cge lang, Tomorrow is another day, mapapasakin ka din Alex..haahahahahah.Pero gragraduate na kami at wala pading progress ang move ko.

-KYLE
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
                Ano ba yan, crush din ng best friend ko ang crush ko. Nakakainis. Ang masama pa, mukhang nagkakagusto din si Dustin kay Alex. My god, I have been trying to change my self pero di padin ako napapansin ni Dustin. Halata namang may gusto siya kay Alex sa mga tingin niya palang dun ehh pero mukang may pagkatanga tlaga tong best friend ko ehh, buti nalang. Pero kahit pa ganun ang sitwasyon, mahal ko pa din ang best friend ko. Syempre siya yung lagi kong nakakausap at kasama sa buong high school life ko eh.Pero pagdating na sa pag-ibig, Wala akong planong ipaubaya ang mahal ko sa kanya. Bahala na. Napagdesisyunan ko na na hindi ko sasabihin kay Dustin at kay Alex na mahal nila ang isa’t-isa. Doon nalang si Alex kay Kyle, total, halata namang patay na patay yung gunggung nay un sa kanya eh.. di naman masama si Kyle ehh..In fact, marami din nagkakagusto sa kanya pero di best friend lang ata nakikita nun ehh..hahahahahah..hay bahala na nga to basta hindi ko igigive up si Dustin. Or kung hindi man magkagusto sakin tlaga si Dustin then bahala na..kahit maggraduate pa kami. La ako planong sabihin ang totoo sa kanila. Alam kong masama ang plano ko pero bahala na, not this time Alex, hindi ako magpaparaya..

                                                                                                                                                                                                        -MIGGY

4 comments:

  1. wahaha pasawai xD so ganyan pla yan... round and round and round it goes

    ReplyDelete
  2. ngaun ko lang nabasa...ang ganda..thumbs up poh ^^

    -ram

    ReplyDelete
  3. Sana may sequel pa to., :)

    ReplyDelete
  4. Hi i am kavin, its my first occasion to commenting anyplace, when i read
    this post i thought i could also make comment due to this brilliant paragraph.

    ReplyDelete