Apr 17, 2012

King’s Tears Chapter 17

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works is purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





Lalo pang isiniksik ni Jay ang kaniyang katawan sa nilalang na yumayakap sa kaniya nang maramdaman niya ang init na nagmumula sa hubad na katawan nito. Nakatalikod siya dito habang ito ay nakaharap sa kaniya at yakap-yakap siya.

Ilang sandali pa ay hinakalikan na siya nito. Nagising na nang tuluyan si Jay dahil sa ginagawa nito.

Dahil sa pagod ang kaniyang katawan ay wala siyang lakas upang kontrahin ang ginagawa nito sa kaniya.

Sa kabila ng lahat na hindi niya nakikita kung sino ang taong ito, hindi siya natakot sa nilalang na lumalamas ngayon sa kaniyang katawan kasi pamilyar na sa kaniya ang mga haplos at yakap nito. Alam niyang si Prinsipe Marcus ito.

Kahit nga noong sa panaginip niya na hinahalikan siya nito ay alam niyang wala siyang dapat ipangamba.

Mula sa paghaplos at yakap ay napalitan ito ng mga halik. Halik na para bang sabik na sabik sa kaniya at parang mauubusan ito ng bukas sa klase ng paghalik nito sa kaniya.

Nilalamutak na nito ng halik ang kaniyang leeg, patungong batok bago napunta sa puno ng tenga niya. Dahil nasa tenga ang kaniyang kiliti ay napaliyad si Jay sa sensasyong dulot nito lalo na noong dinilaan ni Prinsipe Marcus ang kaniyang tenga.

“Ahhhhh.” halinghing ni Jay.

“Ang bango at ang sarap halikan talaga ng mahal ko.” bulong naman ni Prinsipe Marcus.

Dahil sa init ng hininga ni Prinsipe Marcus na pumasok sa tenga ni Jay ay napakapit siya sa mga bisig nito na para bang nagpapahiwatig na ituloy na nito ang ginagawa. Ewan ba niya sa sarili at sa tuwing makikipagniig sa kaniya si Prinsipe Marcus ay hindi niya ito mapahindian.




Sobrang pagod ang naramdaman ni Jay nang matapos sila sa kanilang pagniniig dahilan upang siya ay makatulog agad.




Sinag ng araw na pumupasok mula sa bintana ng kaniyang silid ang gumising kay Jay. Kahit malaki ang pumasok sa kaniyang likuran ay walang sakit na nararamdaman si Jay nang siya ay magising. Para bang hindi sila nagniig.

“Kakaiba talaga dito sa mundo niyo.” ani Jay.

Nakayakap pa rin sa kaniya ang hubad na katawan ni Prinsipe Marcus. Humarap siya dito saka masuyong pinagmasdan ang mukha nito. Kahit siguro segu-segundo ay hindi siya magsasawang pagmasdan ang mukha nito.

Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakapulupot ng kamay nito sa kaniyang katawan saka inalis ang kumot na tumatabing sa mga hubad nilang katawan.

Muli nanumbalik na naman ang pagiging mahiyain ni Jay pagkakita sa hubad na katawan ni Prinsipe Marcus. Nakita niya kasing matigas na naman ito at tayong-tayo na para bang sumasaludo sa kaniya.

Dali-daling tumayo si Jay para magbihis pero di pa man siya nakakabangon ay nakayakap na uli sa kaniya si Prinsipe Marcus. Inilingkis pa nito ang sariling mga paa sa katawan ni Jay upang hindi makatayo ang isa kaya damang-dama ni Jay ang kaangkinan nito. Hindi niya alam na gising pala ito.

“Mamaya ka na bumangon mahal.” bulong nito sa tenga ni Jay.

Muling naging alipin si Jay sa kung anong mahika noong titigan niya ang mga mata ni Prinsipe Marcus at muli ay naulit ang kanilang pagniniig.




Natapos nang magkapag-almusal sina Prinsipe Marcus at Jay noong sila ay ipatawag ng hari upang sabihin ang isang napaka-importanteng bagay.

“Ipinatawag ko kayong dalawa upang sabihin sa inyo na nalalapit na ang kaarawan ng reyna upang mapaghandaan niyo ang darating na piging.” ani Haring Erasmos.

“Sa pagtitipong iyon kasi pormal na ipakikilala si Prinsipe Jay sa lahat dito at upang maipakita rin niya ang itinatago niyang kapangyarihan.” dagdag ng hari.

“Ngunit Ama, masyado yatang madalian ang lahat?”ani Prinsipe Marcus. Hindi niya kasi napaghandaan ito.

Oo nga pala, kailangan merong maipakitang kapangyarihan si Jay sa mga taga-rito ngunit alam niyang tao ito kaya malamang ay wala itong kapangyarihang taglay. Bihira lang kasi sa mga tao ang merong kapangyarihan.

“Iyon ang tamang pagkakataon upang siya ay ipakilala Prinsipe Marcus.” ani Reyna Odessa sa tanong ni Prinsipe Marcus.

Hindi na lamang sumagot si Prinsipe Marcus at wari ba’y may iniisip na malalim.

Alam ni Prinsipe Marcus na sa pagtitipong iyon ay imbitado ang halos lahat ng mamamayan sa kanila.

“Kailan po ba gaganapin ang pagtitipong sinasabi niyo kamahalan.” kinakabahang tanong ni Jay.

“Gaganapin ang piging sa ikalimang araw pagkatapos ng kabilugan ng buwan.” ani Haring Erasmos.

“Bukas na po?!” gulantang na tanong ni Jay.

“Bukas na mga Prinsipe Jay kaya dapat kang maghanda.” ani Reyna Odessa. “Ngayon ay abala na ang mga tagapag-silbi sa paghahanda para sa gaganaping piging bukas.” dagdag nito.

Parang nanlupaypay si Jay sa kaniyang narinig. Inalalayan naman siya ni Prinsipe Marcus na sinasabi bang huwag siyang kabahan at huwag magpahalata na hindi siya handa para sa gaganaping pagtitipon.

Nilisan nila Jay ang bulwagan para mag-isip kung ano ang kanilang gagawin.




Naisipang dalhin ni Prinsipe Marcus si Jay sa tabi ng ilog.

Nang makarating sila doon ay naupo sila sa damuhan malapit sa lilim ng isang puno.

“Ano ang ating gagawin Prinsipe Marcus? Alam mong wala akong kapangyarihan kagaya niyo dahil isa akong tao.” ani Jay habang nakatingin sa ilog.

“Shhhhh. Alam ko iyon.” sabi naman ni Prinsipe Marcus. “Ngunit wala ka ba talagang kapangyarihan? Baka meron kang kapangyarihan hindi mo lang alam gamitin.” dagdag nito.

“Wala talaga eh.” ani Jay.

“Mag-isip nalang tayo ng paraan kung papaano natin mapapamangha ang mga naririto.” ani Prinsipe Marcus.

Natahimik bigla ang dalawa at nahulog sa malalim na pag-iisip.

“Ano kaya ang pwedeng gawin ni Jay para mapahanga niya nag mga naririto sa aming kaharian. Kailangang may maisip akong paraan!” ani Prinsipe Marcus sa sarili.

Samantalang si Jay naman….

“Kailangan simulan ko na ang pagpaplano kung paano ako makakatakas mula dito. Hindi ko na kailangan patagalin pa ang aking pananatili dito sa kahariang ito. Kapag tumagal pa ako rito ay maaaring sapitin ko na naman ang ipatapon at ihulog doon sa nagbabagang apoy. Kahit masakit sa aking kalooban dahil sa napamahal na rin sa akin si Prinsipe Marcus ngunit papaano ako mananatili rito kung walang katiyakan ang aking kaligtasan sa kadahilanang ako’y isang tao. Kailangan ko nang makalabas dito ngunit paano ko gagawin iyon kung palaging kasama ko si Prinsipe Marcus. Hahanap ako ng pagkakataon.” mga naglalaro sa isipan ni Jay.

Habang nag-iisp si Jay ay nakatitig siya ng mabuti sa napakalinaw na tubig na umaagos sa may ilog.

“Mukhang aliw na aliw ka sa tubig sa ilog ah?” tanong ni Prinsipe Marcus na bumasag sa kanilang katahimikan.

“Ang ganda kasing pagmasdan. Parang babasaging kristal at ang linaw-linaw.” ani Jay. “Masarap sigurong maglakad sa ibabaw niyan saka titingnan mo ang iyong sarili mula sa tubig ano?” tanong nito.

“Bakit hindi ka maglakad sa ibabaw ng tubig?” tanong ni Prinsipe Marcus. “Madali lang naman maglakad sa ibabaw ng tubig. Subukan mo.” dagdag nito.

Walang nagawa si Jay ng hilahin siya ni Prinsipe Marcus mula sa kaniyang pagkakaupo at dalhin malapit sa ilog.

“Subukan mong maglakad.” utos ni Prinsipe Marcus kay Jay.

Sinubukan nga ni Jay ngunit noong iapak na niya ang kaniyang paa sa tubig ay lumubog ito.

“Hindi ko kaya.” sabi ni Jay.

“Kaya mo ‘yan. Halika at tuturuan kita.” sabi ni Prinsipe Marcus.

Naunang naglakad si Prinsipe Marcus sa tubig. Tuwang-tuwa si Jay na pinagmamasdan si Prinsipe Marcus habang ito ay naglalakad sa ibabaw ng tubig.

Matapos maglakad sa tubig ay lumapit uli si Prinsipe Marcus kay Jay saka kinuha ang mga kamay nito.

“Isipin mong nakakapaglakad ka sa tubig.” utos nito kay Jay bago hilahin ang kamay ni Jay at maglakad papunta sa gitna ng ilog.

Ngunit bago pa man sila makalayo sa gilid ay lumubog si Jay kaya napakapit bigla siya sa leeg ni Prinsipe Marcus.

Ni hindi man lang ito nabigatan sa kaniya. Mayamaya pa ay dinala na siya nito sa gitna ng ilog. Tulad ng dati ay lumulubog pa rin si Jay kaya nakakapit pa rin siya sa may leeg ni Prinsipe Marcus.

“Tanggalin mo ang lahat ng takot mo diyan sa puso mo at isipin mong nakakapaglakad ka sa ibabaw ng tubig.” ani Prinsipe Marcus. “Isipin mong ang tubig na ito ay lupa na iyong tinatapakan upang ikaw ay makalakad ng maayos dito. Isipin mo rin na halat ng bigay ni Bathala ay kaibigan natin na handang tumulong sa atin kapag kailangan natin sila.” dagdag pa nito.

Ginawa nga ni Jay ang sinabi ni Prinsipe Marcus. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata saka inisip na lupa ang tubig na kaniyang tinatapakan.

Hindi niya namamalayan na unti-unting tinatanggal ni Prinsipe Marcus ang kaniyang mga kamay na nakakapit sa leeg nito.

“Ngayon ay dahan-dahan mong imulat ang iyong mga mata.” wika nito sa kaniya.

Nakatayo pa rin si Prinsipe Marcus sa harapan ni Jay ngunit laking gulat niya nang pagmulat ng kaniyang mga mata ay hindi na nakahawak sa kaniya si Prinsipe Marcus at mag-isa nalang siyang nakatayo sa ibabaw ng tubig na walang umaalalay.

“Nakakatayo ako sa ibabaw ng tubig?” manghang tanong ni Jay.

“Oo. Kaya mo palang tumayo sa ibabaw ng tubig. Kaya mo na ring maglakad niyan.” sabi ni Prinsipe marcus.

Sinubukan ngang maglakad ni Jay sa ibabaw ng tubig. Tuwang-tuwa siya at nagagawa niya ang ganoon. Pinagmasdan niya ang kaniyang repleksiyon sa tubig. Hindi niya akalaing mamamasdan ang sarili ng ganoon.

Mayamaya pa ay masaya na niyang pinagmamasdan ang mga isdang lumalangoy sa ilalim nito. Sa linaw kasi ng tubig ay kitang-kita kahit na iyong mga maliliit na isda na nasa ilalim nito.

Nagpaalam sandali si Prinsipe Marcus kay Jay na may pupuntahan lang sandali.




Medyo may katagalan na at hindi pa nakakabalik si Prinsipe Marcus kaya naiinip na si Jay dahil sa wala siya gaanong makausap.

Naalala niya na kailangan pala niyang lumisan na sa mundo ng mga nilalalang na ito at bumalik na sa kaniyang mundo.

Ito na marahil ang pagkakataon niya upang isakatuparan ang kaniyang binabalak na paglisan sa mundong iyon.

Dali-dali siyang pumunta ng palasyo at tinungo niya ang kaniyang silid. Ni hindi nga niya pinapansin ang mga nakakasalubong niya ngunit binalewa lang naman ng mga ito.

Dali-daling nagpalit ng kasuotan si Jay. Matapos masigurong maayos na ang lahat ay hinubad niya ang kwintas na suot-suot niya at ipinatong sa ibabaw ng mga hinubad niyang damit.

“Kahit ilang sandali pa lang ang aking pananatili dito ay nagkaroon na nang halaga ang silid na ito sa akin. Kahit masakit sa aking kalooban ang aking pag-alis dito ay kailangan kong gawin ito para makaiwas sa gulo. Sana mapatawad mo ako Prinsipe Marcus sa aking gagawing pag-alis.” wika ni Jay habang tinitingnan ang silid na naging saksi sa kanilang pagmamahalan ni Prinsipe Marcus saka lumabas.

Agad niyang tinungo ang hardin kung saan naroroon ang sinasabing lagusan ni Prinsipe Marcus.

“Bakit po kayo nagpalit ng inyong kasuotan Prinsipe Jay?!” gulat na tanong ng isang tagapag-silbi na nakasalubong ni Jay habang siya ay papalabas na nang palasyo. “Baka po kami pagalitan ni Prinsipe Marcus kapag hindi po kayo nagbihis ayon sa kasuotan dito.” dagdag nito.

“Huwag kang mag-alala at alam ito ni Prinsipe Marcus.” pagsisinungaling ni Jay saka mabilis na tinungo ang hardin.

Tulad nga nang sabi ni Prinsipe Marcus ay walang sinuman ang nagbabantay sa lagusan. Nagkunwari muna si Jay na nagmamasid sa mga halamang naroroon upang siguruhin na walang sinuman ang makakakita kapag pumasok na siya sa lagusan.

Nang masigurong walang matang nakatingin sa kaniya ay dali-daling lumapit siya sa lagusan.

Ilang hakbang nalang at makakalapit na siya sa lagusan nang biglang may lumitaw na nilalang mula sa kung saan sa kaniyang harapan.

Laking gulat niya nang mapagsino ang nilalalang na lumitaw sa kaniyang harapan.

“I-ka-w?”gulat na tanong ni Jay.





Itutuloy……………………



                                                 

8 comments:

  1. Sino kaya un?? Haha! Nxt na po pls!

    ReplyDelete
  2. Hala wala na d na inuodate oh

    ReplyDelete
  3. Next na po pls. :(

    ReplyDelete
  4. nkakainis naman dapat nagpaalam man lang xa kay marcus.atska cnu kaya yung nakita nya.?

    haist nu na kaya mangyayari

    update n po pleeeeeeaaassseeeeeee...

    ReplyDelete
  5. I'm always checking this blog regularly and there's no update yet. Mr. Author please continue the story. Pretty please? Looking forward for more. Thank you!!! :) - Island Maven

    ReplyDelete
  6. Where's the next chapter? Hi author please update this one as soon as possible. Thank you! :)

    ReplyDelete