DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works is purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Hi. Kumusta po kayong lahat. Ako po pala si Vince. 25 na po ako ngayon. Nagtratrabaho sa isang kilalang Japanese firm dito sa atin. Lugar? Secret po, basta japanese po ang may-ari ng company. Isang typical guy lang ako kung inyong pagmamasdan. Nasa 5’6” ang height na medyo may kaputian.
Tama na po sa introduction tungkol sa akin.
Gusto ko lang pong ibahagi sa inyo itong aming kwento ng aking kuya na hinding-hindi ko makakalimutan.
Si Kuya Ashley ay mas matanda sa akin ng anim na taon. Matangkad, kayumanggi ang balat at may maamong mukha. Kahit mas matanda siya sa akin ay ako pa ang lumalabas na parang kuya tuwing kami ay magkasama.
Lumaki kami ni kuya na walang amang nangangaral sa amin. Buti nalang kamo at nariyan ang aming mga tiyuhin na gumagabay sa aming paglaki. Nagpapangaral, nagsasabi ng dapat gawin at kung anu-ano pa para lamang hindi kami maligaw ng landas.
Dahil sa mas matanda sa akin si kuya kaya siya ay tapos na nang elementary ay Grade 1 palang ako. Palaging ibinibigay ni mama kay kuya kung anuman ang kailangan niya sa school. Sabi palagi sa akin ni mama na huwag daw ako mainggit kay kuya kasi kapag nakatapos nang pag-aaral si kuya ay mabibili ko na raw kahit ano na gugustuhin ko.
Ganyan palagi si mama. Kakampihan niya si kuya pero kahit ganoon ay hindi ako nagtatampo kay kuya. Mahal ko kasi ang kuya ko at alam ko rin naman mahal ako ng kuya ko.
High school na si kuya. First year na sa darating na pasukan. Minsan isang araw ay naubusan ng gamot para sa hika ang mama namin. Walang gustong magpautang sa amin. Ano nga ba naman ang aming ipambabayad e wala naman trabaho an gaming ina. Umaasa lang kami sa suporta ng mga kapatid ng aming mama.
“Ma, wala na po ba kayong gamot? Panay na kasi ang ubo niyo?” tanong ni kuya kay mama.
“Naubos na kahapon pa anak.” sabi ni mama sa nanghihinang boses dala ng pagkahapo.
Nahahabag na tiningnan ni kuya ang hitsura ng saming ina. Mayamaya ay tinawag ako ni kuya upang bantayan muna si mama.
“Vince, bantayan mo muna si mama. Aalis lang ako sandali” wika ni kuya. “Kumain nalang kayo ni mama kung magutom na kayo.” dagdag sabi ni kuya.
“Saan ka pupunta kuya?” tanong ko sa kaniya.
“Pupunta lang ako sa bahay nila Auntie Shelly.” sagot nito sa akin.
Pumunta nga si kuya doon sa bahay ni Auntie Shelly. Saktong tatlong beses lang din kung makakain sila auntie ngunit tumutulong pa rin sila sa amin.
“Tao po? Auntie nandiyan po ba kayo?” sabi ni kuya pagkarating sa bahay nila.
“O, anak, pasok ka. Bakit ka pala napasugod dito?” tanong ni auntie kay kuya.
“Wala na po kasing gamot si mama. Hinihika na naman. Baka po meron kayong extrang pera ibibili ko lang po ng gamot si mama.” nahihiyang wika ni kuya sa aming tiyahin.
“Naku anak, ubos na rin ang pera ko eh. Ginamit ng uncle mo pamasahe papunta ng trabaho.” wika ni auntie.
“Ah, ganun po ba? Sige po. Alis na lang ako.” wika ni kuya sa nanlulumong boses. Aalis n asana si kuya pero biglang may naalala siya.
‘Auntie, meron po ba kayong ice water nagyon?” tanong ni kuya.
“Meron. Bakit nauuhaw ka ba? Meron naman malamig na tubig sa ref.” sagot ni auntie.
“Hindi po. Naalala ko lang po na merong laro ng basketball doon sa plasa. Sigurado po akong maraming bibili ng icewater doon.” wika ni kuya.
“Oo nga pala. Sige, kunin mo doon sa ref at ilagay mo agad sa ice box. Huwag mo nang ibigay ang kikitain mo sa akin. Ibili mo agad ng gamut ang mama mo kapag meron ka nang naibenta.” mahabang turan ni auntie.
Pumunta nga si kuya sa plasa dala-dala ang ice water na kaniyang paninda. Agad itong naubos dahil nga sa init ng panahon tuwing summer. Dere-deretso nang umalis si kuya papuntang botika sa bayan para bumili ng gamot. Pagkadating sa bahay ay agad niyang pinainom si mama.
Dahil dito ay lumaki ang respeto ko sa aking kuya.
Mabilis na lumipas ang panahon. Magtatapos na ng college si kuya. Ako? Graduating na rin sa high school sa sunod na pasukan. Si mama naman ay mayroon nang trabaho kaya nasuportahan niya nag pag-aaral ni kuya.
Dahil nga sa graduating na si kuya ay lahos wala nang matira sa pera ni mama dahil sa laki ng gastusin ni kuya sa mga projects. Nandiyan din ang pagrereview niya na malaki din ang bayad. Meron din siyang thesis na nangangailangan ng pera para sa mga materials.
Ako? Ito, nagseselos dahil puro nalang kay kuya. Puro nalang si kuya. Hindi pwedeng magtrabaho si kuya. Ganito. Ganoon.
Pumapasok ako sa school na piso lang ang baon ko. Buti na nga lang at meron akong mga kaibigan nagbibigay.
Minsan nga binibiro ako ng mga kaibigan ko. “Para ka namang hindi anak ng empleyado ng gobyerno.” wika ni Jose ng minsan kaming magkwentuhan magbabarkada. Hindi ko nalang sila pinapansin kapag ganito na ang aming usapan.
Kahit ganoon ang aming napag-uusapang magbabarkada ay hindi ko ito pinaparamdam kina mama at kuya. Hindi ko ipinapakita na nagtatampo ako sa kanila kasi marami na ring problemang iniintindi si kuya. Siya rin kasi ang sumusuporta sa gamot ni lola.
Nakapagtapos ng pag-aaral si kuya at nakapasa agad ng board exam. Agad din namang nagtrabaho si kuya para matulungan si mama sa pag-aaral ko at masuportahan din ang lola naming may sakit.
Simula nang makapagtrabaho si kuya ay bihira na siyang makauwi sa amin. Napakalungkot na wala na sa bahay si kuya. Wala na akong kaasaran at kakulitan. Wala na ang masayang tawanan naming tuwing manonood kami ng palabas.
Dahil sa may trabaho na si kuya kaya nabibili ko na kung ano ang gusto ko. Mabait si kuya. Hindi nagrereklamo basta meron siyang pera magbibigay siya para lang masunod ang gusto ko. Pero kahit ganoon ‘yon ay meron siyang binigay na limitasiyon kung ano at hanggang saan lang ang pwede.
Dahil sa nakakapagod ang trabaho ni kuya kaya siya nagresign sa unang kompanyang pinagtrabahuhan niya. Masyado kasing nangayayat ang katawan ni kuya kaya pumayag din ang mama naming na huminto muna sa pagtatrabaho si kuya.
Naghanap siya uli ng kaniyang mapapasukan. Swerte naman na merong kakilala si mama na kumuha sa kanya papuntang Saudi. Dalawang taon ang kaniyang kontrata doon. Dalawang paskong hindi naming siya makakapiling uli. Tanging tawag sa telepono lamang ang aming komunikasyon.
“Hello? Kuya?” tanong ko agad ng minsang mapatawag si kuya sa amin.
“O, Vince kumusta? Kumusta na ang pag-aaral mo?” tanong sa akin ni kuya.
“Okay lang kuya. Nakakapasa naman sa awa ng Diyos. Pero mga terror ang mga professor ko kuya kaya nag-aaral ako ng mabuti.” sagot ko sa tanong ni kuya para malaman niyang nagsisikap akong makatapos ng pag-aaral. College na ako ngayon.
“Mabuti naman kung ganun. Pero kung hindi mo na kaya ay mag-asawa ka nalang para wala na kaming proproblemahin ni mama.” sabi ni kuya. Alam kong biro lang ito ni kuya pero sinagot ko rin.
“Buti sana kuya kung kambing lang ‘yan na pweding itali sa damuhan at kakain na ng damo.”sagot ko sa kaniya. Sa ganitong biruan ay tatawa na kami ni kuya. Ganito ang name-miss ko sa kaniya. Marunong makisakay sa biro.
“Nasaan pala si mama? Bakit ikaw ang nakasagot ng cellphone niya?” tanong ni kuya.
“Nasa palengke kuya. Kakaalis lang.” sagot ko rito.
“Sige, tatawag nalang ako mamaya. Sabihan mo nalang si mama na tatawag ako para hindi siya muna umalis kung may lakad siya.” pagtatapos ni kuya sa aming usapan.
‘Sige po kuya. Sasabihin ko nalang po. Ingat ka kuya diyan” paalam ko kay kuya.
Mabilis na lumipas ang taon. 4th year college na ako at umuwi na rin si kuya dito sa Pilipinas. Hindi na bumalik uli doon sa Saudi si kuya kasi nga kinaiinggitan siya ng mga kasamahan niya doon.
Naghanap siya uli ng mapapasukan at may nakilala siyang tumulong sa upang makapunta sa Qatar. Doon naman ang sunod niyang destinasyon. Isang taon lang ang kontrata niya. Tama lang para makapagtapos ako ng pag-aaral.
Katatapos ko lang makapasok sa pinagtratrabahuhan kong kompanya sa kasalukuyan nang umuwi si kuya dito sa Pilipinas. Masaya ako at si mama. Sabi ni kuya ay hindi na daw siya babalik pa sa ibang bansa para magtrabaho.
Dito na nagtrabaho si kuya sa Pilipinas. Mga kalahating taon lang nakalipas ay napansin namin ni mama ang biglaang pagbagsak ng katawan ni kuya. Sabi niya naman ayn naninibago lang siya klima at pagkain dito sa atin.
Ipinagwalang-bahala lamang namin ito ni mama dahil nga sa ganoon naman talaga ang katawan ni kuya simula pa noong una.
Dahil sa napapagod si kuya sa kakauwi sa bahay ay kumuha nalang siya ng apartment malapit sa pinapasukan niya.
Buwan ng September ng ako ay umuwi sa amin. Nag-leave ako upang makasama ko rin ang mama at kuya ko kasi nga matagal na kaming hindi nagkikita-kita. May pare-parehong pasok sila mama at kuya. Sinabihan ko na si kuya na uuwi ako at sinabihan din siyang doon kami muna sa amin maghahapunan para naman magkakasama kami kahit minsanan lang. Sabi ni kuya na hindi siya papasok ngunit magpapahinga muna siya sa apartment niya.
Ala-siyete na ng gabi ay hindi pa rin dumarating sa bahay naming si kuya kaya tinawagan ko nalang sa cp niya. Walang sumasagot. Ring lang nang ring.
“Ma, sinabi ba sa inyo ni kuya kung anong oras siya darating? Gabi na ah. Sabi niya kasi kanina wala siyang pasok eh.” tanong ko kay mama.
“Oo. Sabi niya alas-singko eh nandito na siya.” wika ni mama sa nag-aalalang tono.
“Puntahan ko nalang sa apartment niya. Dadalhin ko nalang ang sasakyan para mabilis kaming makauwi dito.” sabi ko kay mama.
“Dalhin mo na itong susi sa apartment ng kuya mo.” sabi ni mama. Binigyan kasi siya ni kuya ng spare key para kung pupunta doon si mama ay makakapasok ito agad.
Agad kong pinasibad para puntahan si kuya. Ngayon lang kasi nangyari ang ganito sa kaniya. Hindi kasi iyon nagpapahuli tuwing meron itong lakad. Lagi kasi itong nauuna sa kausap di bali nang siya ang maghintay.
Mga kalahating oras lang ay nakarating na ako sa apartment ni kuya. Wlang ilaw sa loob. Dahil sa napuntahan ko na rin itong nang minsan ay alam ko kung saan ang bukasan ng ilaw. Pagkabukas ko ng pinto ay agad kong inapuhap ang switch ng ilaw para lumiwanag sa loob.
Noong lumiwanag na ang apartment ay nakita ko si kuya na nakahandusay malapit sa may sofa. Bihis na ito at baka papunta na ito sa bahay naming ngunit hindi ko alam bakit nakahandusay ito ng ganoon.
Dali-dali kong dinala sa pinakamalapit na ospital si kuya. Agad itong inasikaso ng mga naka-duty na doctor doon. Tinawagan ko naman si mama para ipaalam ang nangyari kay kuya at sinabihang huwag mag-alala. Ako ang nagbantay kay kuya.
Maaga pa lang ay dumating na si mama.
“Kumusta na ang kuya mo?” tanong ni mama.
“Hindi pa ho nagigising. Pero sabi ng doctor ay maayos na man daw ang kaniyang lagay. Kailangan lang merong gawing karagdagang tests para masuri ng maayos ang kalagayan ni kuya.” sabi ko kay mama.
“Ganun ba? Sige puntahan ko muna ang kuya mo.” sabi ni mama na bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
Isang araw ang lumipas bago namin nalaman ang resulta ng tests na isinagawa kay kuya. Matagal na palang may sakit si kuya. Brain tumor ngunit hindi nito sinasabi sa amin. Kaya pala sumasakit dati ang ulo ni kuya dati ay senyales na pala ito ng kaniyang sakit. Hindi nga laman sinansabi niya sa amin na lumalala na ang kaniyang sakit.
Hindi na nakapagtrabaho pa si kuya dahil sa dumadalas na ang pagsakit ng kaniyang ulo. Sa bahay na lamang siya naglalagi. Gustuhin man naming ni mama na sa ospital siya mamalagi ay ayaw niya. Lalo lang daw siyang manghihina kaya ikinuha siya ni mama ng private nurse dahil sa may trabaho kami pareho ni mama.
December 24. Masaya kaming nagkwekwentuhan ni kuya. Hindi niya alintana ang kangyang dinadalang sakit. Habang kami ay masayang nag-uusap ay dumating si mama kasama ang iba pa naming pinsan. Kulitan at tawanan lang ang aming ginawa. Si mama ay nagpahanda ng pagkain para sa salu-salo naming sa gabi.
Nang mapagod si kuya ay nagyaya siyang magpapahinga na. Ipinasok ko siya sa kaniyang silid. Hapon na uli nagising si kuya.
Mag-aalas-otso ng gabi ng sinabihan ako ni kuya na magpapahinga muna siya. Sinamahan ko siya sa kwarto niya. Mayamaya ay humiling si kuya ng isang kanta.
Pinatugtog ko ang gitara at tinipa ko ang paborito naming kanta ni kuya. Ang kantang “Kaibigan” ni Freddie Aguilar. Hilig kasi naming ni kuya ang maggitara at kumanta.
Matapos kong kumanta ay napansin kong nakatulog na pala si kuya. Pinabayaan ko na lamang siya na makatulog. Mayamaya ko na lamang siya gigisingin sa oras ng kainan.
Masaya kaming naghaharutang magpipinsan kahit malalaki na kami. Si kuya kasi ang pasimuno ng gulo tuwing ganitong pasko kaya nakasanayan na namin ang magkulitan.
Alas onse na nang inutusan ako ni mama na gisingin si kuya upang kumain na. pumasok ako sa kanyang kuwarto at ginising ko ito.
“Kuya, gising na.” sabi ko. Hindi gumalaw si kuya.
Niyugyog ko ang katawan ni kuya ngunit hindi pa rin ito gumagalaw. Sinuri ko ang paghinga ni kuya. Hindi na ito humihinga.
Napahagulgol ako sa aking nalaman. “Kuya!!!!” malakas kong sigaw mayamaya lang.
Narinig ng aking mga pinsan ang aking pag-iyak. Agad silang pumasok sa kwarto ni kuya at nakita nilang yakap-yakap ko ang katawan ni kuya. Lahat sila ay napaluha at nag-siiyakan.
Napasugod din si mama sa kuwarto ni kuya. Nakita ni mama na payapa na ang hitsura ni kuya habang nakapikit ang mata. Naluha si mama sa kaniyang nakita. Lumapit ito saka yinakap ng mahigpit si kuya. Iyon na ang pinakamalungkot na pasko na aming naranasan. Ang pagkamatay ng nag-iisa kong kapatid at kuya.
Nagsasaya ang ibang mga tao ngunit kami ay nagluluksa dahil sa pagpanaw ng mahal namin sa buhay.
Tuwing pasko ay hindi naming maiwasang magpipinsan ang malungkot dahil ito ang araw kung kailan namatay ang aming kuya. Ang kuya naging mabuti sa aming magpipinsan. Naging sandalan namin sa oras ng kagipitan. Ang kuyang gumabay upang kami ay hindi maligaw ng landas.
Salamat po ng marami. Sana po ay may magandang aral kayong napulot dito sa kwento kong ito.
End……………………
TOUCH NMAN AKO DUN?
ReplyDeletemaganda po yung plot nice :))
ReplyDeleteGreat story
ReplyDeleteAn outstanding share! I've just forwarded this onto a coworker who has been doing a little
ReplyDeleteresearch on this. And he actually bought me lunch because I stumbled upon it for him...
lol. So allow me to reword this.... Thank YOU for the meal!!
But yeah, thanx for spending some time to discuss
this issue here on your web page.
Have you ever considered publishing an e-book or guest authoring on other websites?
ReplyDeleteI have a blog centered on the same ideas you discuss and would love to have you
share some stories/information. I know my viewers would value your work.
If you are even remotely interested, feel free to shoot me an e mail.
Can I simply just say what a relief to discover somebody that really understands what they are talking about over the internet.
ReplyDeleteYou definitely realize how to bring a problem
to light and make it important. More and more people must look at
this and understand this side of your story. I was surprised that you're not more popular because you definitely possess the gift.
Hello I am so delighted I found your blog, I really found you by
ReplyDeletemistake, while I was browsing on Aol for something else, Nonetheless
I am here now and would just like to say thank you for a tremendous post
and a all round entertaining blog (I also love the theme/design), I don’t have time to look over
it all at the moment but I have bookmarked it and also added your RSS
feeds, so when I have time I will be back to read much more, Please do keep up the superb
work.
I was suggested this blog by my cousin. I am not sure whether
ReplyDeletethis post is written by him as nobody else know such detailed about my trouble.
You're wonderful! Thanks!
I must thank you for the efforts you've put in penning this blog.
ReplyDeleteI am hoping to check out the same high-grade content by you in the future as well.
In fact, your creative writing abilities has motivated me
to get my own, personal blog now ;)