By: ICE
Author’s Note: Ang naunang parts ng istoryang ito ay mababasa sa blog ni Rue: http://ruesthreadsoffate.blogspot.com/
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works is purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
“Malapit na kitang makasama Ai.” wika ko habang umaagos ang luha sa aking mga mata. “Sana sa muli nating pagkikita ay maging maligaya na tayo sa piling ng bawat isa.” dagdag ko.
Naramdaman kong mayroong humahaplos sa aking mukha. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang masuyong paghalik nito sa akin.
Iminulat ko ang aking mga mata.
Pagkamulat ng aking mga mata ay mukha ng taong pinakaiibig ko ang sumalubong sa aking paningin. Maaliwalas ang kaniyang mukha at napaka-gwapo pa rin niya kahit bagong gising.
Mapupungay pa ang mga mata nito tanda na kagigising lang din nito.
“Good morning Ai.” wika nito sa akin habang pinupunasan ang luhang dumadaloy sa aking mga mata. “Nanaginip ka na naman siguro ano tungkol sa pinanood natin kagabi?” seryosong tanong nito.
Alam kasi niya na kapag malungkot ang pinanood ko sa gabi ay nadadala ko ito sa pagtulog. Kahit ayaw niya akong papanoorin ng ganoong klase ng mga palabas ay napipilit ko pa rin siya.
“Sabi ko naman kasi sa ‘yo na ‘wag na natin panoorin ‘yon e kasi alam kong mananaginip ka na naman ng masama.” sabi pa nito sa akin habang mataman ko lang na pinagmamasdan ang kaniyang mukha. “Alam mo namang ayaw kong nakikita kang malungkot sa paggising mo.” dagdag nito.
“Buti nalang panaginip lang ang lahat.” sabi ko na humihikbi at yumakap ng mahigpit sa kaniya.
Ramdam ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin habang hinahaplos ang likod ko. Mayamaya ay nagsalita ito.
“Mahilig ka kasi sa istoryang malungkot ang wakas kaya nadadala mo rin sa panaginip mo. Pati sa mga palabas ay gusto mong manood ng malulungkot na kwento tapos mananaginip ka ng masama.” sabi nito sa akin. “Tingnan mo nga sa ginawa mong istorya natin na tayo ang bida, inuna mo akong pinatay tapos ikaw rin susunod. Parang napakalungkot ng kwento natin ah.” dagdag pa nito.
“Gusto ko lang kasing maging makatutuhanan ang kwento. Parang sa tunay na buhay, hindi lahat ay maganda ang wakas.” sagot ko sa malungkot na tinig.
“Pero hindi naman ganun ang nangyari sa atin.” katwiran ni Ai. “Nakita mo lang noon na nawalan nang balanse ang katawan ko, inakala mo agad na kagaya ng sakit ng papa mo ang sakit ko. Tapos ginawan mo pa nga ng kwento na malungkot ang wakas.” dagdag nito.
Kita ko sa mga mata ni Ai ang lungkot pero mayamaya ay napalitan nang kung anong kislap ito.
“Alam ko na kong ano ang makakatanggal sa lungkot mo.” sabi nito sa akin. Kumindat pa ito at ngumiti ng pilyo.
“Ang libog mo Ai.” wika ko na natatawa na. Alam ko kasi kung ano ang gusto niyang mangyari.
“Sa iyo lang naman ako ganito.” wika niya bago ako halikan.
Ang banayad na paghalik niya sa una ay naging mapusok. Dahil dito ay dagling nag-init ang aming mga katawan. Ewan ko ba kung ano ang meron kay Ai at siya lang ang nakakapagpadama sa akin ng ganito katinding init.
Muli ay pinagsaluhan namin ang init.
Katatapos lang naming magniig ng may biglang kumatok sa pinto ng aming silid.
“Gising na kayo mga love birds.” sigaw nito sa labas. “Mamaya niyo na ituloy ang lampungan niyo. Kailangan nating umalis ng maaga. Baka mahuli tayo sa flight.” dagdag nito.
Naalala kong nasa hotel nga pala kami ngayon at nagyong araw ang aming alis papunta sa Korea. Kasali kasi ang grupo nila Ai sa gaganaping hiphop dance competition doon. Ito ang pangalawang kompetisyong sasalihan nila sa ibang bansa.
“Panira ka ng araw.” balik-sigaw ni Ai na kumikindat pa sa akin.
“Panira mong mukha mo. Ulol.” Ganting sigaw ni Daniel bago humalakhak.
Matapos makapag-ayos ay dumiretso na kami sa airport. Kahit hindi pa ganoon kasikat ang grupo nila Ai ay mayroon nang mangilan-ngilang taong nagpapa-autograph sa kanila doon sa airport. Mga taong mahilig din o may alam pagdating sa larangan ng hiphop dance.
“Kasali rin po ba kayo sa grupo? Pwede po bang magpa-autograph din?” tanong sa akin ng isang babae na nagpapa-autograph kina Ai at Daniel.
“Ang gwapo mo naman.” sabi naman ng kasama nito.
“Naku, hindi po ako kasali sa grupo nila. Taga-suporta lang po ako sa kanila.” sagot ko sa tanong ng babae.
“Sayang naman. Sana magaling ka rin sumayaw para kasali ka sa grupo nila.” sabi ng babae.
Hindi ko na lamang tinugon ang tanong nung babae sa akin para hindi na humaba ang usapan. Ngunit…
“Pwede po bang pa-kiss nalang?” tanong nito sa akin.
Napaubo naman sila Daniel at ibang kasama sa grupo. Nang sulyapan ko nama si Ai ay nakita kong medyo kumulimlim ang mukha nitoi na para bang sinasabi na huwag akong pahahalik.
“Naku baka may magalit sa ‘yo miss.” sagot ko para hindi obvious na naiilang ako at baka simulan pa ito ng away namin ni Ai.
“Sayang naman!” wika ng babae sa tonong nanghihinayang talaga. Pero bago pa ako makahuma ay bigla ako nitong hinalikan saka dali-daling umalis kasama ang lalaking kasama nito.
Lalong kumulimlim tuloy ang hilatsa ng mukha ni Ai dahil sa ginawang iyon ng babae. Mas lalong nalukot ito nung dagdagan ni Daniel ito.
“Iba talaga ang appeal ng boyfriend mo. Hindi ko aakalain na may babae rin palang magkakagusto sa kaniya.” wika ni Daniel na kinakausap si Ai.
Pagkarinig ni Ai sa sinabi ni Daniel ay bigla niya akong hinablot palapit sa kaniya na animo ay may aagaw sa akin at anumang oras ay maaari akong mawala sa kanilang paningin. Saka niyakag ako papunta sa pila para makapasok na kami sa departure area.
Pinagtawanan naman ng grupo ang inasal ni Ai.
Pagkalagpas namin sa immigration ay tumuloy na kami sa departure area. Akala ko hindi uungkatin ni Ai ang nangyari ngunit nagkamali ako.
“Bakit ka ba nagpahalik sa babaeng ‘yon?” tanong agad nito noong nakaupo na kami sa passenger’s lounge.
“Kita mo ngang ninakawan lang ako ng halik nung babaeng ‘yon di ba?” sagot ko. “Saka nakita naman ‘yon ng grupo. Marami akong testigo.” dagdag ko pa.
“Oo nga naman.” segunda nung isa sa grupo na nakarinig sa pinag-uusapan namin.
“Kitams!” sabi ko.
“Ayaw ko lang kasi na may humahalik sa ‘yo na iba. Ako lang ang may karapatang humalik sa ‘yo.” wika ni Ai sa malumanay nang boses saka ako niyakap at hinalikan.
“Possessive much?” pang-aasar ko.
Naalala ko palang nasa airport kami kaya noong tingnan ko ang aking paligid ay nakita kong merong mga matang nakatingin sa amin. Sari-saring reaksiyon ang makikita sa mga mukha ng nakakita sa paghalik sa akin ni Ai. Merong natuwa at humanga, may naasiwa, mayroong wlang paki at kung ano-ano pa.
“Hoy, mahiya naman kayo sa amin.” biro naman ni Daniel.
“Inggit lang kayo.” ganting-biro ni Ai.
Isang oras pa ang aming hinintay bago kami nakaalis ng Pilipinas.
Nang makarating na kami sa Korea ay may naghihintay na sa aming sundo. May hawak pa itong plakard na may nakasulat ng “Welcome to Korea, The Movers”, ang pangalan ng grupo nila Ai.
Nakita ko ito kaya sinabihan ko sila Ai saka namin nilapitan ang taong may hawak ng plakard.
“Welcome po to Korea.” bati nito sa amin. “Ako nga po pala si Jerwin. Ako po ang naatasan ng coordinator ng dance competition upang sunduin kayo at dalhin sa hotel kung saan kayo pwedeng mag-stay.” sabi nito. Isa pala itong pinoy.
Matapos makipagkilala ang grupo ay niyaya na niya kami sa sasakyan na naghihintay upang dalhin kami sa hotel.
Matapos kaming madala sa tutuluyan naming hotel ay inasikaso muna ang aming pagkain ni Jerwin. Matapos kaming makakain ay pumunta na kami sa aming kwarto. Si Jerwin naman ay nagpaalam na. Bukas nalang daw uli dahil siya ang aming gabay sa pag-stay namin dun sa Korea.
Dalawang araw pa bago ganapin ang dance competition nila Ai. Hindi na sila nagpractice pa upang makapagpahinga sila ng maayos.
Araw ng competition. Maraming kasaling grupo na nagmula pa sa iba’t-ibang bansa. Halos lahat sila ay magagaling. Masasabi ko kasing magaling sila dahil sa araw-araw ba naman na nakikita ko sila Ai na nagsasayaw kaya nagkaroon na rin ako ng ideya dito.
Dalawang grupo nalang at malapit nang tawagin ang grupo nila Ai.
Nung tinawag na ang grupo nila Ai ay konti lang halos pumalakpak. Ngunit nung nasa kalagitnaan na sila sa kanilang pagsasayaw ay halos di magkamayaw ang mga tao sa kasisigaw. Pati mga manonood ay napapaindak habang pinanononod nila sila Ai na nagsasayaw.
Huling grupo na ang nagsasayaw ngayon. Pagkatapos nito ay tatlong intermission daw ang gaganapin sabi ng emcee bago tinawag ang huling nagsasayaw na grupo.
Matapos ang huling intermission number ay oras na para i-announce ang nanalo sa competition.
“The third place goes to Thailand.” wika ng isa sa mga judge na siyang tinawag upang i-announce ang third place winner.
Ang second place ay napunta sa Finland na inannounce ng isa mga coordinator ng competition.
Oras na para i-announce ang first place. Ako ay kinakabahan habang nakaupo at yakap-yakap ako ni Ai sa likod ng stage. Nandoon kasi lahat ng mga grupong kasali sa competition.
“Okay lang kahit hindi kayo manalo. Basta ginawa niyo ang lahat at isang karangalan na rin ang maging katawan ng Pilipinas dito sa competition na ito.” wika ko.
Tumango lamang si Ai pati na ang mga kasali sa grupo sa aking tinuran.
“And the first place goes to……………………… Philippines.” sigaw ng nag-aanounce.
Nanalo ang grupo nila Ai! Lahat kami ay nagsigawan. Hindi na namin maintindihan ang iba pang sinasabi ng nag-announce basta sumama nalang ako kina Ai sa stage para tanggapin ang kanilang panalo.
Dahil sa pagkapanalo nila Ai ay naging sikat sila dito sa ating bansa. Merong mga guesting sa iba’t-ibang shows. Pero kahit ganoon na sila kasikat ay hindi pa rin sila nagbabago.
Ako naman ay ipinagpatuloy ang pagsusulat sa aking blog. Lingid kasi sa kaalaman ni Ai ay nagsusulat na ako kahit hindi pa man kami. Nalaman lang niya iyon noong nagkaroon na ako ng sariling laptop at nagsusulat na doon sa bahay namin. Akala ko e magagalit siya ngunit naging supportive pa ito. Ayaw nga lang niya sa mga tema kong puro malulungkot ang wakas ng story.
Kahit sikat na sila at maraming trabaho ay hindi pa rin nawawalan ng oras si Ai para sa akin. Maging ako, kahit busy sa trabaho ay humahanap ako ng oras na makapagsosolo kami. Para sa aming dalawa.
Minsan ay nagkakaroon ng tampuhan ngunit ito ay aming pinag-uusapan naman at naaayos din.
Minsan ay nag-away kami ni Ai na ang dahilan ay ang kumakalat na isyu tungkol sa aming dalawa. Naisipan ko kasing makipaghiwalay nalang kay Ai upang hindi masira ang kaniyang career.
“Tayo na nung hindi pa ako sikat, nung hindi pa sikat ang grupo. Nabuhay ako kahit hindi kami sikat noon. Dahil sa ‘yo kaya naging masaya ako noon hanggang ngayon. Kung mawawala ka lang kapalit ng kasikatan kong ito ay mas gugustuhin ko pang mabuhay nang hindi sikat kesa wala ka sa tabi ko.” sabi ni Ai.
“Hindi kita ikakahiya kung ‘yan ang bumabagabag sa kalooban mo.” dagdag niya saka ako niyakap. “Mahali kita. Mahal na mahal. Tandaan mo ‘yan.”
“Mahal din kita Ai. Dahil sa pagmamahal kung ‘yon kaya ko naisipang makipaghiwalay sa ‘yo kasi ayaw kong makita kang nahihirapan at dumating sa puntong mamimili ka sa akin at sa career mo.” sagot ko.
“Alam mo na ngayon ang sagot ko. Ikaw ang pipiliin ko kesa sa aking career. Mabubuhay naman tayo kahit hindi na ako sikat.” sagot ni Ai.
Niyakap ko si Ai nang mahigpit na mahigpit. Humalik naman sa akin si Ai.
Wala na akong mahihiling pa. Si Ai ang lalaking naging punyal na sumugat sa puso ko ngunit ngayon siya naman ang tinik tulad sa isang rosas na nagpoprotekta dito upang hindi masaktan ang bulaklak sa mga nagtatangkang kunin ito.
End……………………
I like the real ending. .Nalungkot ako nung unang bahagi. Pero after ko mabasa ang page na ito, that's it! satisfaction got me :)
ReplyDeletePerfect!!!
ReplyDeletecollaboration! :)
ReplyDeletehmm to be honest, ms gusto q ung nauna icicles
ReplyDeleteanyway, gwa mo nman to so ikaw pa dn ang bhala hahahaha
I just read the other 3 parts from MSOB... and I can't believe na ganito pala ang ending nito... :)) still... its heartwarming and like nung sabi ko dun sa last part na nakapost sa MSOB there is true love between the na hinding hindi masisira ng kahit ano pa man o kahit nino man kahit pa kamatayan... and this time... kahit pa kasikatan :))
ReplyDeletekudos to the writer for maiking this story have a wonderful twist :3