Author’s Note: Comments, suggestions and violent reactions are welcomed. Feel free to say what you want to say.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Katatapos lang naming kumain ng hapunan. Nanonood kami ni mama ng palabas sa TV kasama ang bunso kong kapatid na si Robee. Mayamaya ay nagsalita si mama.
“Anak, mag-promisory note ka lang muna sa pag-enroll mo ngayong pasukan. Delayed kasi iyong sahod namin eh.” sabi sa akin ni mama. “Pagdating ng sahod namin ay agad naman nating babayaran kasama na ang iyong tuition bago mag first grading niyo.”
“Sige po ma, magpromisory note muna ako. Pero hindi pa naman ngayong lingo iyong enrollment namin eh. Baka po dumating na iyong sahod niyo total next week pa naman ako pupunta ng school para magpaenroll.”sagot ko kay mama.
“Sige, pero kung wala pa ganoon muna ang gawin natin anak. Alam mo naman na isa lang akong naghahanap-buhay para sa atin. Buti na nga lang at nasa elementary palang itong kapatid mo.” ani mama.
“Naiintindihan ko po kayo ma. Huwag niyo na po alalahanin iyon at ako na ang didiskarte sa school para makapag-enroll.” sagot ko. “Saka ma, bakit di nalang kaya ako lumipat sa public school para mabawasan ang ating gastusin? Si Uncle Mon lang naman ang may gustong mag-aral ako dun. Ngayon ay hindi na niya ako matutulungan sa pag-aaral kasi bagong panganak palang si Auntie Fe.” dagdag ko.
“Huwag na anak. Maninibago ka na naman. Mahihirapan ka na naman niyan. Mairaraos rin natin ito. May awa ang Diyos. At isa pa, gusto ko rin maranasan mo ang mag-aral sa magandang paaralan na hindi ko naman naranasan.” sabi ni mama.
“Kayo po ang bahala.” ang naisagot ko na lamang.
Ako nga po pala si Michael Jordan San Gabriel o MJ para sa mga malalapit na kaibigan at kamag-anak na nakakakilala sa akin. Labing-apat na taong gulang. Panganay ako sa aming magkapatid. Kasalukuyang nag-aaral sa Saint Joseph Academy. Magju-junior high na ngayong darating na pasukan.
Lunes. Araw ng enrollment……..
“Robee, gisingin mo na ang iyong kuya nang makapaghanda na siya. Kailangan niyang umalis ng maaga para sa enrollment nila” dinig kong sabi ni mama habang pababa ako ng hagdan.
“Di na po kailangan ma. Gising na po ako kanina pa. May inayos lang akong mga documents ko kasi baka makalimutan ko pa. Saka inihanda ko pa ang damit kong isusuot, kaya hindi muna ako lumabas ng kwarto.” sabi ko kay mama.
Bago ako humarap sa mesa ay deri-deritso muna ako sa CR upang maghilamos at magmumog. Pagkatapos ko magpunas ng mukha ay nagtimpla agad ako ng kape saka naupo na sa mesa para kumain.
“Kumain ka na anak. Ikaw na muna ang maghugas ngayon ha, baka ma-late ako sa school.”sabi ni mama sa akin. “Ako na ang mauunang maligo habang ikaw naman ay naghuhugas pa.”
Naunang natapos sa akin si Robee. Si mama naman ay naliligo na. pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na an gaming mga pinagkainan.
“Robee, pakipunas muna iyong mesa. Pagkatapos mong punasan ay pakidilig iyong mga hahaman sa labas.” utos ko sa aking kapatid.
“Opo kuya.” sagot niya.
Ako naman ay dali-daling naghugas. Saktong pagkatapos kong maghugas ay tapos na rin si mama sa pagligo. “O, bilisan mo na rin diyan at maligo ka na. Kailangang pumunta ka sa school niyo ng maaga para matapos ka kaagad.” sabi ni mama.
“Maliligo na po ako.” ang isinagot ko nalang kay mama.
Matapos maligo ay dali-dali akong nagbihis. Siniguro kung maayos ang damit kong isusuot. Nang masiguro kungayos na ang hitsura ko, binitbit ko na ang folder na naglalaman ng mga requirements para sa enrollment.
Naabutan ko pa si mama pagbaba ko ng hagdan. “Anak, pagkatapos mo sa school niyo e bumili ka na rin ng ulam natin para mamayang gabi. Eto ‘yong pera. Kunin mo na rin d’yan ‘yong pamasahe mo. Pagkasyahin mo nalang anak.”
Sabay na kaming umalis ng bahay ni mama. Si Robee naman ay hinintay nalang ang lola naming upang maghatid sa kanya papunta ng school.
Sa sasakyan ng tricycle papunta ng school ay nakasabay ko ang classmate kong si Arnel.
Itutuloy..........
update na agad kuya ice !! :P
ReplyDeletethumbs up!
unahin ko po muna taposin ung king's tears.. next wik po bka tapos na xa..
ReplyDeletesunod ko po ung untitled..