DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
“Sino ka? Bakit babes ang tawag mo sa akin? Di naman ako babae ah. Lalaki ako.” Sabi ko sa estrangherong bigla nalang umakbay sa akin at humalik sa aking pisngi.
Pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante at mga tao. Paano ba naman eh sa gwapo nga itong nakaakbay sa akin at humalik pa.
“Ano ka ba naman babes, di mo na ako kilala? Magtatampo na ako sa iyo niyan eh.” sabi ng estranghero.
Narinig kong may kausap si mama sa baba habang papasok ako ng aking kwarto. Katatapos ko lang maligo at may kinuha lang ako sa kusina kaya ako bumaba.
“Good morning po tita. Nakabihis na po ba si MJ?” dinig kong sabi niya kay mama.
“Katatapos lang niya maligo iho. Nandoon sa kwarto niya puntahan mo nalang at tulungan para mabilis tayong makaalis.” ani mama.
“Babes, bilisan mo na. Kailangan nandoon na tayo sa school niyo bago mag-umpisa iyong misa.” sabi ni MM habang kumakatok.
“Opo, patapos na po ako.” sagot ko.
“Buksan mo muna ang pinto.” sabi nito.
Binuksan ko nga ang pinto. Nakita ko itong may nakapaskil na ngiti sa mga labi. “Ang saya natin ngayon ah. Mukhang nanalo tayo sa lotto. Balato naman.” biro kong sabi kay MM habang tinatapos ko ang pag-aayos sa aking sarili.
“Mamaya, may sasabihin ako sa iyong importante.” sabi niya sa akin sabay ngiti. “Pero mamaya ko na sasabihin pagkatapos dun sa school. Surprise kasi ito eh, saka baka ma-late pa tayo.” dagdag wika nito. Alam kasi niya na galit ako pag-nalelate ako o iyong kausap ko.
“Napakatanga ko. Akala ko ako ang mahal mo. Mula ngayon ay di na ako magtitiwala kahit kanino.”
No comments:
Post a Comment